Chapter 8: LEFT

52 1 0
                                    

Mia's POV 

Hay nako! Sunday na naman. Mangungulit na naman si Zsofia sa akin. Siguradong mangungulit yun sa pagshoshopping niya. Naaalala niyo diba hindi siya nagpapasa pero simula nung makamove-on siya nagpasama na.


Tinignan ko yung cellphone ko, may 15 missed calls at 20 messages galing lahat sa kanya. Sabi na nga ba't hindi yan makakatiis hindi gumala. Biglang nagring yung phone ko and tama kayo! Si Zsofia nga.


{Hello?} -Zsofia

{Hi!} - Ako

{Bakit ang tagal mong sumagot!} Bakit alam niya ba na kagigising ko lang? {Di ka man lang nagtext or tumawag sa akin.} -Zsofia. Kung hindi ko lang talaga to bestfriend eh baka binabaan ko na 'to. Grabe ang lakas ng boses. Partida hindi pa nakaspeaker phone.

{Dalian mo na at malelate tayo.} OA talaga nitong babaeng 'to. Malate daw eh 8:30 pa lang naman at 10:00 pa naman ang bukas ng mga mall.

{Oo na. Ito na nga eh. Maliligo na!} "Dapat talaga maliligo na ako.. Bakit tumawag ka pa." bulong ko sa sarili. Buti na lang at hindi niya narinig kundi magbubunganga na naman yun at hahaba pa ang usapan.

{Wait lang, ilang oras ka pa ba dyan? Wag mo ng tagalan ah!} May pahabol pa ang bruha. 

{Mga 30 minutes nandyan na ako.}  sabi ko na lang at binaba na niya ang tawag. Salamat!

Pagkapatay na pagkapatay ng tawag ay dumiretso ako ng CR, nagmadali akong matapos. Pagkatapos ay nagbihis, nagsuklay, nag-ayos ng gamit, bumaba para kumain at pagkatapos ay pumunta na kila Zsofia. Sinadya kong dalian para hindi na mabungangaan.




Sa sasakyan papunta sa bahay nila Zsofia.

Nakakainis naman! Like what is happening? Bakit ngayon pa nagkaroon ng traffic? Pag minamalas ka nga naman oh! It is almost 9:30 now and I'm not reaching almost half of the destination. Magagalit yun sa akin! Matawagan na nga lang. 

Hinalughog ko na yung bag ko pero walang cellphone akong nakita. What the! Why did I forgot something that is really important, cellphone. I can't go back home immediately because the u-turn slot is a 2 meter far and the cars are moving slowly. Kaya wala akong nagawa naghintay at pagkarating ko ng U-Turn slot ay agad akong lumiko. Salamat na lamang at walang traffic sa part na yun kaya nakauwi ako agad at dumiretso agad sa kwarto at hinanap kung nasan yung cellphone. Nang hinahanap ko ang cellphone ay agad na nagring ito at sinagot ko.


{Hello?} Boses na bumungad sa akin. Parang pamilyar yung boses niya sa akin eh.

{Hello rin? Sino 'to? Bakit ka napatawag?} naniniguro ako kung siya nga.

{Ako 'to si Xia. Ipapaalam ko lang sa'yo na aalis na ako ng bansa. Hindi na ako makatagal dito. I prefer to go to Europe. Andun na kasi yung family ko lahat, ako na lang nandito kaya farewell friend.} at agad na pinatay ang tawag. What? Anong pinagsasabi niya? 


Dumiretso ako agad sa bahay nila Zsofia. May alam akong alternative way papunta sa kanila pero ang problema lubak-lubak ang daan pero okay na yun makapunta lang agad sa bahay nila. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila Zsofia ay agad ko siyang hinanap at natagpuan sa may veranda.

"Zsofia! Zsofia!" sigaw ko na nagpalingon sa kanya patalikod.

"Bakit ang tagal mo?" sabi niya. Nakalapit na ako sa kanya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Broken Heart to FixWhere stories live. Discover now