Zsofia's POV
May nagtext sa akin kahapon na pumunta daw ako sa tindahan ng Tita ko sa Quezon City. Kailangan ko daw pumunta kasi ako daw ang magbabantay doon. Ang nakakainis lang bakit ako pa ang inutusan nun eh ni hindi nga kami close nun. Tsaka pwede naman yung mga kakilala niyang dalagita rin. Yung napagkakatiwalaan niya.
At ngayon papunta na ako. Nagmamadali ako kasi medyo late na. 8 am daw ang bukas ng tindahan niya at kailangan nandun na daw ako ng 7:30. 7:00 na ngayon, buti walang traffic at maaabot ko ang exact time na binigay ni tita.
Buti na lang at sumakto ang pagdating ko. Kundi lagot ako kay tita. Nagulat ako ng pagpasok ko sa loob hindi lang pala simpleng tindahan pero sa labas tindahan talaga ang form niya. Isa itong workshop pang-artista. Pero bakit ako? Hindi naman ako ganun kaganda at ako pa ang pinili ni tita. May baklang lumapit sa akin tapos tinanong niya ako kung ako ba yung pamangkin ni Mommy Lelet. Tinanong ko siya kung sino yun tapos um-oo ako kasi yung sinabi niya yun yung tita ko.
Pinapasok niya ako sa isang magandang kwarto. Ang gaganda ng damit, ang gaganda ng sapatos, ang ganda lahat ng gamit. Pinasuot niya sa akin yung isang gown. Grabe ang ganda nung gown. Parang magmomodel ako. Pinagstay niya muna ako dun kasi mamaya pa naman daw ako. Hindi ko 'yun nagets pero tumango na lang ako at lumabas na siya.
Isang oras din yata ang lumipas at may kumatok sa pinto. Pinuntahan ko yung pinto at binuksan ko. Pagkabukas na pagkabukas ko may nakita akong napakagwapong lalaki. Grabe ang HOT.
"Hello? Pinapatawag ka na ni Direk. Lumabas ka na daw diyan." natameme ako akala ko lalaki yun pala isa ring bakla. Sayang yung pogi niya bakla pala. Pero parang may iba eh, parang familiar yung mukha niya sa akin. Hindi ko na pinansin yun at pumasok sa loob ng room nagsuot ng sandals at nagmadaling lumabas.
*Click Click*
Mia's POV
Nasan na kaya yun si Zsofia? Sabi kong dito kami gagawa sa bahay eh. Tinext ko naman siya. Pinaalalahan ko pa. Baka nalate lang ng gising.
Bakit wala pa rin siya? Grabe namang tagal ng gising niya? Hala! Sana naman hindi.
Pumunta ako sa bahay nila dahil sa nag-aalala na ako sa kanya. Naabutan ko si tita sa may garden nila.
"Tita, nasan po si Zsofia?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ka ba sinabihan ni Zsofia? Umalis kasi siya kaninang umaga. Pumunta siya sa tindahan ng tita niya. Pinagbantay kasi siya." sabi ni tita.
"Ayyy ganun ba tita. May gagawin pa kasi kaming project. Bukas na po ang kasi ang pasahan. Sinabi ko na po sa kanya yun kahapon eh." sabi ko kay tita.
"Sige po tita. Aalis na po ako. Tatapusin ko na lang po yung project." pagpapaalam ko.
Pagkaalis ko ay tinext ko ng tinext si Zsofia. Hindi kasi siya nagrereply eh.
Zsofia's POV
Nang matapos yung pinagawa nila sa akin ay umuwi na agad ako. Sa sobrang boring chineck ko yung cellphone ko. Ang daming messages at missed calls galing kay Mia.
Ayyy hala! Lagot ako kay Mia nito bukas. Bubungangaan ako nito sigurado. Tinawagan ko siya at sinabi ko na hindi ko agad nabasa yung mga text niya kasi naging busy sa pag shoo-shoot. Nagulat pa nga kasi bakit daw ako magshoo-shoot sa tindahan. Ako nga rin nagulat nung malaman kong hindi talaga tindahan yung kundi workshop. Pagkatapos nun ay sinabi niyang okay lang daw na siya na nagtapos kasi unti na lang din naman ang kulang. Buti na lang talaga.
Naalala ko tuloy yung lalaki kanina. Parang hindi talaga siya bakla. Nagbabakla-baklaan lang para hindi matanggal o makakita ng mga babae na magaganda. Tsaka parang pamilyar yung mukha niya sa akin eh...
Sana hindi tama ang hula ko. May nagtext sa aking unknown number.
From: 0918*******
Yes! Nakita na rin kita ulit sa wakas. Sana naaalala mo pa ako. Ako yung lalaking pinagtabuyan mo noon. Nagbago ako para sa'yo.
~Gwapo
Ang weird. Sino kaya yun? At paano niya nalaman yung number ko? Bakit niya ako kilala? Saan at kailan niya ako nakilala? Hayyyy... Sino kaya siya? Baka nawrong number lang ng type. POSSIBLE!
------------------------------
A/N: Meant to be kaya sila? Hulaan niyo na po.
Vote and Comment is needed. Thanks XD

YOU ARE READING
A Broken Heart to Fix
RomansZsofia Hartley, she's beautiful and a kind-hearted person. Isang babaeng naniniwala sa love pero dahil sa isang disaster nagulumihan siya and she became cold as a ice and as hard like a rock. Kenneth Brown, a playboy, a gangster and a heartthrob. M...