Chapter 3: BITTER

36 4 0
                                    

Zsofia's POV

Mula nang araw na malaman kong niloloko ako nung manlolokong lalaking 'yun hindi na ako naniwala sa LOVE. Naging bitter na ako. Lahat ng mga lalaki hindi ko pinapansin, nilalayuan ko at pinagtatabuyan ko na. Kahit nga mga kakilala kong lalaki hindi ko na kinakausap.



Binago ko ang pagkikilos ko. Ang pananamit ko. Ang pagkakakilanlan sa akin. Binago ko lahat. Pinakita ko sa kanya na hindi siya kawalan at hindi ko siya kailangan. Sa laki ng pagbabago ko nagulat silang lahat at halos lahat yata ng lalaki sa campus niligawan ako.



May isa pa nga akong admirer "yata" na sinubukang makipag-usap sa akin. Imbis na kausapin ko siya ay sinigawan ko. Alam kong wala silang kasalanan at nadadamay lang sila pero bakit kailangan pa nilang lumapit diba? Ang ikinagalit ko pa nung araw na yun ay pilit niyang binibigay yung mga bulaklak at tsokolate niya. Wala akong nagawa kundi tanggapin 'yun.



Hindi na ako pumayag na magpaligaw pa ulit. Ayaw ko na kasing masaktan at maloko pa ng mga taong tulad nung hinayupak na si Kenneth. Napakabolera niya na hindi mo alam kung totoo ba talaga ang sinasabi niya sa'yo. Ang galing niya kasi napaniwala niya ako.



May isang araw din na may nagtext sa akin ng "I LOVE YOU <3". Hindi ko na lang pinansin yun pero ang sunod na ginawa niyang step na ay naglalagay ng flowers, chocolates, and letters sa locker, desk, and pinapabigay daw ang sabi ng mga inuutusan niya.Siguradong iisa lang yung mga nagbibigay nun. Sa sobrang bwisit ko ay itinapon ko yung bulaklak, sinunog ko yung letters at syempre ibinigay ko yung mga chocolates sayang naman diba!



Naiinis na talaga ako sa mga lalaki ang kukulit nila.




******************

Ilang buwan rin siguro ang lumipas ng maghiwalay kami ng hinayupak na yun. Nagtry ulit akong mahumaling o maniwala sa PAG-IBIG na 'yan. Alam niyo ba kung anong nangyare, wala rin eh puro bangayan at siraan lang ang nangyayare kaya nakipagbreak na lang din ako sa kanya. Walang kwenta ang relasyon pag walang tiwala and walang pagmamahal right?


Pagkatapos ng relasyon na 'yun ay pila-pilang lalaki ang nagpapadala ng mga flowers, letters, and chocolates sa school at pati sa bahay. Ang saya diba! Pero lahat ng 'yun binasura, sinunod at ibinigay ko lang. Hinding hindi na ulit ako magpapaloko wala na sa vocabulary ko ang salitang LOVE.


May nagpumilit pa sa aking isang manliligaw ko, Ang lakas ng loob. Sinabihan ko na sila na 'wag ng lumapit sa akin pero 'yan pa rin siya lapit ng lapit. Nabubwisit na lang ako. Alam niyo ba kung sino yung nagpumilit? Isa sa mga KATROPA ng walang hiyang hinayupak na Kenneth na yun! Kaya siguro siya nanliligaw para sirain ang puso kong nananahimik. Pero ang natikman lang ay isang matinding sigaw.


"Ano ba? Sinabi ko naman na sa inyo na wag na kayong lumapit sa akin diba? Bakit ka ba lapit ng lapit sa akin? Pwede ba layuan mo na ako? I don't need you so please go away!" napakabrutal ko pero nararapat lang siguro yun sa kanya. Hindi siya nagsalita at umalis na lang.





Lance's POV

Naisipan kong pumunta dito sa tambayan ko sa garden ng school. Magrerelax lang ako. Gusto kong limutin ang mga nangyare. Alam niyo ba yung feeling na nareject ka ng taong mahal mo? Yun yung nararamdaman ko ngayon.



"Bakit ganun na siya?" bulong ko sa hangin. "Hindi naman siya ganun dati ah. Hindi siya yung Zsofia na nakilala ko. Yung nagustuhan ko. Yung laging masaya, yung makulit, at higit sa lahat yung mabait." dagdag ko. "Bakit ganun?" tanong ko sa aking sarili.



Siguro dahil 'to sa kagagawan ni Kenneth. Ang sarap niyang patayin. Ang sarap niyang ihulog sa bangin. Gusto ko talaga siyang patayin. Lumayo ako sa kanila kasi hindi sila pumayag na ibang babae na lang ang pagtripan nila, Alam naman nila na gusto ko si Zsofia matagal na natotorpe lang ako kaya indirectly ako nagbibigay ng mga flowers, chocolates, and also love letters.



Oo, tama kayo! Ako yung secret admirer niya na nagbigay ng mga mamahaling bulaklak, mga tsokolateng paborito niya at mga sulat na alam kong magpapakilig sa kanya pero ang masakit lang dun ay lahat ng mga ginawa ko para sa kanya ay binasura niya lang. Yung mga bulaklak itinapon niya. Yung mga tsokolate ay ibinigay niya. At yung mga liham sinunog niya. Kaya alam ko yun kasi lagi ko siyang sinusundan sa pagpasok, paglunch break, at hanggang sa pag-uwi niya.



Siya lang kasi ang taong minahal ko ng ganito. Yung nanay ko nga hindi ko nabigyan ng mga flowers, chocolates, and also letters eh. Iba talaga ako pagdating sa kanya. Ibang-ibang Lance ang makikilala mo.



At dahil sa ginawa ni Kenneth sa kanya malalaman niya ang mahigpit na pinanghahawakan kong lihim, Isa akong KILLER. Isang killer na lumalabas pag sinaktan mo ang taong mahal ko......





KENNETH HUMANDA KA NA. Malapit ng dumating ang oras ng kamatayan mo.


---------------------------------

A/N: Ihanda niyo na ang sarili niyo sa mga mangyayari. I-easyhan ko muna mga guys. Hindi pa 'yan yung point ko. Just enjoy reading and you'll get my point...


Vote and Comment is highly recommended.







A Broken Heart to FixWhere stories live. Discover now