Zsofia's POV
Nagmove on ako. Pinanatili ko ang sarili kong magfocus sa pag-aaral. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na mabaon sa kalungkutan. I'm always happy now. Walang pinoproblema o nagbibigay ng oras sa sarili pag kailangan.
Andito ako sa park. Sa park na madalas kong pagtambayan. Sa park na madalas ring tambayan ni Kenneth. Alam kong pumupunta siya lagi dito. Madalas ko kasi siyang nakikita dito pag malungkot nung hindi pa kami on. Dito siya nagpapalipas, dito ko siya nakita nung una pero hindi niya pa ako kilala nun kasi hindi ako lumapit sa kanya. Hindi naman kasi siya tumitingin sa paligid niya eh.
"Alam kong pupunta siya ngayon!" sigaw ko. Ako lang naman kasi ang nandito.
"Sino?" rinig ko. Pagkalingon ko nakita ko nga siya. Yung taong akala ko'y patay na. Yung taong unang nagpatibok at unang nanakit sa damdamin ko. Akala ko nakamove-on na ako sa kanya pero hindi pa pala. Akala ko may bago na sa pagtingin ko sa kanya pero wala pala.
"Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na nakakunot ang noo. Biglang sagot niyakap ko siya.
"Ano ba Zsofia? Bakit mo ba ako niyayakap? Pwede ba get off me? Ang baho mo!" sabi niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin yung Kenneth na nakilala ko." umalis sa pagkakayap.
"Nagbago na ako. Hindi lang halata kasi nakadepende sa tao yung pagbabago ko. Haha" sabi niya pa.
Tumakbo siya at umalis na. Uuwi na sana ako pero may tumawag sa akin sa likod.
"Sino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.
"Zsofia!" niyakap niya ako. "Namiss kita." sabi niya. Oo si Mia yung yumakap sa akin. Pinagbakasyon kasi siya ng mommy niya sa probinsya nila. Alam kong hindi natiis ni Tita na magkalayo kami kaya siguro siya pinauwi.
"Hindi kita namiss, Mia." nagpout siya. "Uyy, ito naman hindi maloko. Syempre namiss rin kita noh ang tagal din natin hindi nagkita." sabi ko. Actually 4 days lang kami hindi nagkita.
Ilang oras rin yata muna kami nagstay. Nagdecide kami umuwi kasi medyo late na. Dapi't hapon na. Nagtricycle na lang kami para hindi na madisgrasya pa.
Habang nasa tricycle ang dami naming napag-usapan ni Mia about sa probinsya nila at bakit napaaga ang uwi niya. Napag-usapan rin namin yung pagkikita namin ni Kenneth sa park. Hindi nga siya naniniwala eh. Pero yun naman talaga ang totoo.
Nagkamali siya ng tawag sa akin at nainis na naman. Nagsorry siya kaya nawala galit ko. Ayaw ko kasing may tumatawag sa akin maliban sa pangalan ko. Hindi kasi ako naniniwala sa ganun. Ang alam ko kasi hindi tumatagal ang relasyon ng dalawang tao kapag may tawagan. Tulad na lang nung dati kong bestfriend. Iniwan lang rin ako, tawagan pa namin nun bebe. Yun ang dahilan.
Nauna siyang bumaba ng tricycle. Mauuna kasi yung bahay niya sa bahay namin. Pagkababa niya ay agad na umalis ang tricycle at dumiretso sa pagdadrive.
Habang ako na lang ang mag-isa ang daming gumugulo sa isip ko. Like may mangyayaring masama kay Mia, mommy, and sa mga manliligaw ko. Sa lahat ng darating sa buhay ko. Sakto pa may nagtext sa akin.
From: 0927*******
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo. Once na may manakit sa'yo, malalagot sa akin.
~Ik@wL@ngS
Nakakatakot na 'to. Parang may mali sa mga nangyayari. Sana hindi totoo yung mga iniisip ko. Sana walang mangyayaring masama. Ito yung kinagulat ko pa. Isang text ulit na galing sa same unknown number.
MAGKAMATAYAN PA!!!
Sino kaya 'to? Tinatakot niya ba talaga ako? Kilala ko kaya siya? Admirer ko kaya 'to? Anong gagawin niya? Huwag naman sana! Ayaw ko nito. Ayaw ko na. Tamang tama nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin. Ang tanong ko na naman sa sarili ko.
Kung paano nalaman ni manong driver na dito ako nakatira?
-----------------------------------
A/N: Hulaan niyo na ang mangyayare.
Vote and Comment is highly recommended.

YOU ARE READING
A Broken Heart to Fix
RomanceZsofia Hartley, she's beautiful and a kind-hearted person. Isang babaeng naniniwala sa love pero dahil sa isang disaster nagulumihan siya and she became cold as a ice and as hard like a rock. Kenneth Brown, a playboy, a gangster and a heartthrob. M...