Mia's POV
Andito ako sa bahay nila Zsofia. Pinapunta ako ni Tita Clara. Tinext niya ako kanina umaga.
"Mia, busy ka ba? Sana naman hindi. Nag-aalala na ako kay bunso. Hindi kasi siya lumalabas sa kwarto niya. Hindi nga siya kumain ng dinner kagabi. Please pumunta ka dito, kausapin mo siya." ito yung text ni Tita na agad agad nagpatayo sa akin.
"Zsofia? Please open the door baby." yan yung bumungad sa akin pagdating ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit nakapasok ako noh. Alam naman ng guard and maids nila Zsofia na bestfriend niya ako kaya pinapasok na nila ako agad.
"Tita? Ako na pong bahala sa kanya." sabi ko kay Tita. "Salamat at nakarating ka. Nag-aalala na ako kay bunso eh." sabi ni tita at niyakap ako. "Wala po yun tita. Hindi po ako makakampante kapag may mangyaring masama kay Zsofia." sabi ko kay Tita. "Ah sige sabihan mo na lang kapag okay na siya ahhh." sabi ni tita. Tumango na lang ako at nagpaalam na si Tita.
"Zsofia?" sabi ko. "Just leave me alone!" sabi niya. "Si Mia 'to." narinig kong tumayo siya at agad agad na binuksan yung pinto. "Oh bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at hinila na papasok at sinarado ang pinto.
Ano kayang nangyare sa babaeng to? Hay nako. Sana hindi si Kenneth ang dahilan ng pag-iyak niya.
Iyak lang siya ng iyak. Hindi ko maintindihan pero yakap yakap niya yung cellphone, tablet, laptop.. lahat ng gadgets niya. Ano kaya yun?
"Ano bang nangyayari sayo Zsofia?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Wala ka bang alam sa nangyari?" pabalik niyang tanong.
"Ano ba yun?" todo iyak pa rin siya. Hindi siya sumagot at umiyak ng todo.
Ilang oras siyang umiyak. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Kinakausap ko naman siya pero pag yung tanong ko sa kanya kung anong nangyare, ang sagot niya IYAK.
Hayy nako kawawa naman si Bessy. Baliw na yata 'to. Basang-basa na yung kumot niya ng luha kakaiyak niya. Ewan ko dito bakit hindi matigil ang iyak.
"Oh ito! Basahin mo yan! Nang malaman mo kung bakit ako naiyak." Binasa ko agad at what the? Totoo ba ito? Ayaw kong maniwala pero parang totoo talaga eh. Ito ang nakalagay.
From: 0925*******
Patay na si Kenneth. Nakita siya sa isang park. Sa park na pinagtatambayan niya na nakabulagta at punong-puno ang damit ng dugo.
May picture pa nga eh. Hindi ko alam kung paano yun nasend via messages. Pero bakit niya kailangan iyakan ang isang lalaking manloloko? Tama nga lang na patayin 'yung mga taong ganun 'di ba? O kay dapat pinapahirapan pa.
Haaaayyy nako talaga! Zsofia iba ka talaga nohhh!!!
---------------------------------
A/N: Hindi niyo pa rin ba gets? Magegets niyo rin yan promise. Wala pa tayo sa climax. Unting tiis lang at magegets niyo rin ang point ko. Kaunting-kaunti na lang. Promise!
Vote and Comment is highly recommended. XD

YOU ARE READING
A Broken Heart to Fix
RomanceZsofia Hartley, she's beautiful and a kind-hearted person. Isang babaeng naniniwala sa love pero dahil sa isang disaster nagulumihan siya and she became cold as a ice and as hard like a rock. Kenneth Brown, a playboy, a gangster and a heartthrob. M...