Chapter 2: Bet

54 6 2
                                    

Zsofia's POV


Saturday ngayon. Nagdecide akong makipagkita kay Ken dahil dun sa nareceive kong text.


"Totoo ba itong nareceive kong text na niloloko mo lang ako at BET lang ang lahat?" tanong ko.

"Ikaw naman baby loves, nagpapaniwala ka sa mga ganyan. Baka GM lang yan." sabi niya.


Medyo hindi ako naniwala sa kanya pero hindi ko na pinansin yun at nakipag-usap na lang ng masinsinan sa kanya para magkalinawan kami. Sinabi ko sa kanya na Once na lokohin niya ako ibang Zsofia ang haharap sa kanya.


Pagkatapos ng pag-uusap ay naisipan naming umuwi na. Syempre hinatid niya ako para makabawi sa akin sa mga ginawa niyang hindi paghatid sa akin ng ilang araw.


Mia's POV

"Oh! Ano guys panalo na ako. Napaniwala ko si Zsofia sa feelings ko sa kanya. Sabi ko sa inyo eh madali lang yan." rinig kong sabi ni Kenneth. Matagal na akong nagmamanman sa kilos nila pero this is the first time that I hear what they planned to do. Nagdududa kasi ako sa mga kinikilos niya tuwing kasama niya si Zsofia eh.


Nalulungkot ako para sa bestfriend kong sira kasi niloloko na siya hindi niya pa alam. At naiinis naman ako kay Kenneth sa mga ginagawa niya kay Zsofia. Bwisit siya sinasaktan niya ang walang muwang na damdamin ni Zsofia. 


Hindi ko sinabi yung mga nalalaman ko kay Zsofia baka kasi masira yung friendship naming dahil sa kanya.


Isang araw, nag-usap kami ni Zsofia about sa love kuno. Pag mahal daw gagawin lahat. Wala talaga siyang alam sa pag-ibig. TANGA talaga. Ang sama ko noh. Nung tinawag niya ang atensyon ko bigla kong nasabi yung pangalan ni Kenneth na kinagulat naming dalawa.


"Anong meron kay Kenneth, Mia?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot pero nangulit siya kaya ayun sinabi ko na ang dapat na sabihin sa kanya. Wala namang patutunguhan 'to kung itatago ko pa diba?


"Wag kang epal Mia ahhh. Hindi totoo 'yang mga sinasabi mo. Dahil alam kong mahal na mahal ako ni Ken. Hindi niya magagawang gawin yun sa akin." sigaw niya.


"Nakakainis ka. Porque maganda ka eh hahadlangan mo lahat. Ayaw ko na sa'yo! Parehas ka lang nila. Parehas ka lang nilang walang kwenta! Simula ngayon hindi na tayo magkaigan! Hindi na ako lalapit sayo at huwag ka na rin lalapit sa akin kailanman." dagdag niya pa at tumalikod at pumara ng tricycle.


Hindi ko na siya nahabol dahil napakabilis ng pangyayari. Natigilan kasi ako nung sinasabi niya yung mga yun. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit pa kasi ako nangialam sa kanila? Wala naman akong dapat na ikabahala pero nangialam ako. Sa totoo lang ayaw ko siyang masaktan pero ako mismo ang nanakit sa kanya eh. Tulad ng sinabi niya magpapakalayo na muna ako at hindi na muna siya kakausapin ng mag cool down yung galit niya sa akin.



Zsofia's POV

Hindi ako naniwala sa matagal ko ng kaibigan. Hahadlang pa siya kita naman niyang nagmamahalan kami ni Kenneth eh. Ewan ko sa kanya! Nakakainis!

A Broken Heart to FixWhere stories live. Discover now