Xiamara's POV
Oo, bestfriend ako ni Zsofia. Ako nga lagi niyang pinagtatanungan about kay Kenneth. Lagi kong sinasabing hindi ko alam pero sa totoo lang tinatago ko 'yun. Ayaw ko lang kasing malaman niya yung pinapasabi ni Ken. Ewan ko ba kung bakit.
Yung totoo nyan ako ang may pakana sa dare sa kanya. The hurt Zsofia's feelings. Narinig ko kasing nag-iisip sila ng mga ide-dare. Kinausap ko yung mga katropa niya about sa i-dare nila si Ken na paglaruan si Zsofia. Naiinis na kasi ako kay Zsofia, hindi niya kasi alam yung plano. Hahaha XD
Aamin na ako. May gusto talaga ako kay Ken matagal na. Una ko siyang makita sa campus nafall na ako sa kanya pero hindi niya ako napapansin. Nakakainis 'yung feeling na hindi ka pinapansin ni crush. Kaya ginawa ko 'to para mapansin niya ako. Alam ko kasing tatanungin niya ako about kay Zsofia eh.
"May gusto na yata ako kay Zsofia. Hindi na siya mawala sa isip at puso ko pero imposible na mainlab ako sa isang babaeng katulad niya." narinig kong sinabi niya ito bago siya umalis. Sinundan ko siya. Stalker ako eh haha :)
Ang tagal na rin nun pero nanaig pa rin ang plano kong magbreak sila. Ako yung nakipagkita kay Ken nung time na nakita ni Zsofia yung ginagawa namin ni Ken. Ako yung kakissing scene ni Ken nakipagdeal kasi ako sa kanya nun. Ako na rin ang dahilan ng unang heartbreak niya. Hindi niya ako nakilala kasi nakatakip ako agad ng mukha ko. Ang tanga ko pa kasi nadapa ako buti na lang at nakatalikod siya.
Nakonsensya din naman ako sa ginawa ko. Nasiyahan ako sa ginawa ko pero nalungkot rin naman ako para sa kanya.
Dahil sa konsensya ko hindi ako pumasok ng isang linggo. Tumawag na nga ang principal sa akin eh kung ano na daw nangyayari bakit ang tagal ko ng absent.
Simula noon hindi ko na pinansin si Zsofia at tuwing alam kong makakasalubong ko siya nag-iiba ako ng daan o nagtatago in short iniiwasan ko siya. Ayaw ko kasing malaman niya ang ginawa ko.
Tinawag niya ako isang beses, hindi ko siya pinansin kaya ako dumaan dun kasi hindi ko siya nakita pero hindi ko alam na nahaharangan lang pala siya. Tinangka kong tumakbo pero nahawakan niya yung braso ko. Nagpumiglas ako at nagtagumpay.
"Xia! Ano bang problema mo? I didn't do anything to hurt you naman. Please talk to me. Just say what's wrong." sigaw niya medyo napahinto ako doon. Nagtago muna ako para niya ako makita.
Nandito ako nagtago sa loob ng classroom. Sa sobrang galit ko tinapon ko lahat ng mga gamit na nakikita ko - lahat ng gamit na nakikita ko pinaghahagis ko. Sinira ko lahat ng mga gamit na pwedeng masira. Halos ginulo ko lahat ng mga gamit dito. Pinagtatapon ko yung upuan, sinuntok ko yung blackboard na nagcause ng butas, pinagsisipa ko yung pinto at binato ko yung bintana na nagcause ng basag. Nang mabalik ako sa wisyo ko ay tumakbo ako agad sa C.R. Hindi ko alam 'yung nangyaring yun. Dahil yun sa galit ko. Nakakahiya yung ginawa ko. Nagpalit ako ng damit ko para hindi halatang ako ang gumawa nun.
Nang matapos ang mga klase ko ng araw na 'yun ay agad akong umuwi. Gusto kong maayos ko lahat ng mga mali ko pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Wala akong alam na gagawin ko. Lahat ng iniisip ko parang mali.
Sa bahay, nagsisisigaw ako. Galit na galit talaga ako sa ginawa ko sa bestfriend ko. Ang alam ko kinikilala niya na lang akong friend niya dahil sa pag-iba ng ugali ko. Ang pagiging cold sa kanilang dalawa ni Mia. Pero kinikilala ko pa rin siyang bestfriend kasi iba siya sa lahat ng nakilala ko. Hindi ko lang alam kung bakit ko ginagawa 'to. Alam kong mali lahat ng ito pero wala akong magagawa kasi nangyari na. Hindi ko na mababalik ang nakaraan. Lahat ng 'yun ay kailangan ng ibaon sa limot. Babaguhin ko na ang sarili ko. Babaguhin ko na ang XIAMARA na nakilala nila ngayon. Aalis na rin ako ng school na pinag-aaralan ko ngayon. Lalayo na ako sa kanila.
Lahat ng ginawa ko ay pagsisisihan ko. Iisipin ko muna ang mga ways para makabawi sa bestfriend kong si Zsofia. Sorry talaga Zsofia, hindi ko kasi alam ang gagawin kong iba para mapansin lang ni Kenneth eh. I'm very sorry.
-------------------------------
A/N: Isang update lang muna. Ano kayang mangyayari kay Xia? Ano kayang maiisip niyang way para masabi niya ang tinatago niya? Ano kayang babalakin niya para hindi sobrang magalit sa kanya si Zsofia? Abangan ang mga sagot sa mga susunod na chapter.
Please Vote and Place a comment here thanks.
YOU ARE READING
A Broken Heart to Fix
RomanceZsofia Hartley, she's beautiful and a kind-hearted person. Isang babaeng naniniwala sa love pero dahil sa isang disaster nagulumihan siya and she became cold as a ice and as hard like a rock. Kenneth Brown, a playboy, a gangster and a heartthrob. M...