CHAPTER 1 : Amazona Meets Mr. Sakang >:))

809 32 10
                                    

AUTHOR'S NOTE : Pwede ninyo po itong basahin sa booklat.com. Posted din po ito doon. hehehe

Here's the link po : http://booklat.com.ph/Ai%20Loves%20Yu.php

Thank you, and enjoy reading! hehehe

_________________________________________________________

“Marimar, awwwww!” gumigiling giling na kanta-cum-sayaw ni Aira habang maarteng winiwisik-wisikan ng tubig ang kanyang mga panindang isda.

Araw iyon ng Linggo kaya madami siyang benta. Bukod kasi sa marami siyang suki, iyon ang itinuturing na palengke day ng Maliboot Market kung saan siya nagtitinda.

“Maganda yata ang benta natin Ai?” puna ni Macke na katulad niya ay tindera rin ng isda. Interesado nitong pinagmasdan ang mga paninda niyang malapit nang maubos.

“Naman! Dami ko kayang nabola ngayong araw,” pagbibida niya. “Kaya ililibre ko ang sarili ko ng isang tumpok ng katol!” kinikilig na sabi niya. Katol ang tawag nila sa alak. Wala lang, trip trip lang nilang magkakasama. Para daw cute.

“Loka! Tapos maha-high ka na naman, tapos itatapon kita sa kanal. You want?” natatawang binatukan siya ng kadarating na si Jhen. Kagaya nila ni Macke ay tindera rin ito ng isda. Magkakatabi ang pwesto nilang tatlo sa palengkeng iyon.

“Kamusta naman benta ninyo mga adik?” kakamot kamot sa ulong tanong na lamang niya. Kahit kelan, kontrabida talaga sa ka-adikan niya ang mga katabing tinder niya.

“Heto, mumurahin na kita kasi sinulot mo na lahat ng mga suki namin hinayupak ka! Tama bang mag-make up at magkuntodo sleeveless pink blouse ka pa? Buti sana kung tinimbrehan mo kaming magtutumalandi ka ngayon,” reklamo ni Jhen.

“That’s what you call strategy, poor rivals. Mga wala kasi kayong diskarte,” tatawa tawang kantiyaw niya. Sabay na napasimangot ang mga kasamahan niya.

Ang totoo, alam niyang hindi maganda iyong ginawa niya. Labag iyon sa kasunduan nilang magkakasama roon. Ngunit ano ang magagawa niya kung matindi ang pangangailangan niya niya sa pera?

Kailangan niyang matubos ang bahay ng kanyang yumaong ina mula sa madumi at makalyong kamay ng kalbong si Mang Edmundo—ang head tindero sa Maliboot Market na allegedly ay pinagsanlaan daw ng nanay niya ng bahay nila bago pa man ito mamatay limang taon na ang nakalilipas.

Hindi lang ito manyak na tindero, tuso pa. Tama ba namang magdemand ng isangdaang libong piso sa kanya?

Tinanong niya kung bakit pagkatapos ng limang taon lang nito naisipang singilin siya sa pagkakautang ng ina niya. Ang naging sagot nito ay talaga namang nakapagpakulo ng dugo niya sa walanghiyang matanda.

“Kasi hinintay talaga muna kitang magdalaga. Para pwede mo nang alukin ang alok kong magpakasal sa akin,” tusong pang-aasar nito.

Alam nitong kahit mag-twerk siya ng isang taon sa Maliboot Market ay imposibleng  mabubuno niya ang isang daang libong pisong hinihingi nito sa loob lamang ng isang buwang palugit na ibinigay nito sa kanya.

At ayon nga rito, isa lang ang paraan para hindi na niya kailangang magbayad dito—iyon ay kung papayag siyang makasal rito. HALLER! Sa kalbong iyon? No way! Mas gugustuhin pa niyang magpatiwakal kesa ang makasal sa siraulong iyon.

“May araw ka rin sakin Mang Edmundo. Kakalbuhin ko ang mabahong kilikili mo!” gigil na saad ng isip niya.

Napaismid siya. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kalbong iyon ay mas pinili niyang buhatin na lang ang konting laman ng banyera niya. Uuwi siya nang mas maaga kesa sa dati dahil ayaw niyang madatnan siya ni Mang Edmundo roon.

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon