CHAPTER 8 : The Date

288 13 0
                                    

“H-HUMBLE home? You call this a humble home? Are you crazy?!” bulalas ni Aira na halos hindi na maalis ang tingin sa tanawing pumukaw sa kanyang atensyon.

“You’re exaggerating,” iling ni Yu.

Tinabihan siya nito at tinanaw rin ang malawak na lupain ng mga Hanagami. The parcel of land is 4 acre in total size, iyon ay napupuno ng mga puno ng mangga na siyang pangunahing produkto ng Hacienca Estrella—pag-aari ng pamilya ng kanyang ina na isang Pilipina.

“This place is awesome! Grabe! Ang lawak ng lupain ninyo!” bulalas niya.

“Medyo,” he shrugged.

“Medyo ka riyan! Look! May mga baka! Dali! Puntahan natin!” parang batang hinila niya ang kamay ni Yu papunta sa kinaroroonan ng mga baka.

Napapalibutan ang mga iyon ng isang napakalaking kahoy na bakod. Napahawak siya sa barandilya ng bakod.

“Grabeeeeeeeee! Ang dami!” naglambitin siya sa mataas na bakod.

“Hey! Watch out. Baka mahulog ka riyan,” pigil nito sa ginawa niya.

“Come on! Loosen up. Nakakatuwa kaya umakyat dito. Grabe, hindi ako makaget over sa mga baka,” excited pa ring tili niya.

“Baka nga mahulog ka. Para kang bata,” Yu said in an amused tone.

“Sus. KJ ka lang kasi.” Inirapan niya ang nakangiting binata.

“Waaaaaaaaaah! May mga kalabaw! Ang dami rin nila!” sigaw niya habang masayang itinuturo ang isa pang lugar kung saan nakikita rin niya ang kumpulan ng maraming kalabaw. Katulad ng mga baka ay nasa loob din ng bakod ang mga iyon.

“Silly. Hindi mga kalabaw iyon. They are called bulls,” natatawang lumapit sa kanya si Yu at hinawakan siya sa bewang upang ibaba mula sa may kataasang bakod.

“Puntahan natin?” nakangiting sabi niya. Ni hindi na siya pumalag sa ginawang pagbuhat sa kanya ni Yu.

“No. delikado roon. Hindi sila sanay na nakakakita ng gwapo. Baka dumugin ako.”

“Edi huwag ka ng sumama! Ako na lang mag-isa ang pupunta,” kunwa’y asar na tinabig niya ito at tsaka nilampasang naglakad siya papunta sa direksyon ng mga toro.

“Not so fast young lady. Delikado roon.”

Muli siyang hinawakan ni Yu sa bewang upang pigilan. Nagpakawag kawag siya ngunit kagaya ng dati, dahil mas malakas sa kanya ang binata, ay wala rin siyang nagawa.

“Nakakainis ka! I wanna go there!” piksi niya.

“I said no! Come on. Don’t act like a brat.”

“I am not a brat! Am not! Am not! Am not!” Sa tinuran niya ay sabay na rin silang napatawa. “Ang daya mo. Sabi mo ipapasyal mo ako.”

She changed her tactics. Nginitian niya ng pagkatamis-tamis si Yu. Iniangat niya ang mga kamay at isinabit iyon sa batok ng nagulat na binata.

“Change of tactics huh?” nakangising turan nito.

“Diba mabait ka naman?” nagpapa-cute na sabi niya.

“If you’ll kiss me right now, I might consider taking you to that place.”

Natigilan siya. Great! Kiss daw! Tinignan niya ito ng masama. Binaklas niya rin ang mga kamay na nakapulupot sa batok nito.

Matapang naman siya! Matapang! Talagang matapang! Matapang para labanan niya ang tukso sa kanyang harapan. Wah!

“Akala ko ba matapang ka?” tila nabasa ni Yu ang nasa isip niya.

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon