CHAPTER 10 : The Proposal

274 14 1
                                    

“SAAN MO ba ako dadalhin?” pilit na hinihila ni Aira ang kamay mula sa pagkakahawak ni Yu. “Ano ba! Bitiwan mo nga ako!”

“May pupuntahan nga tayo!”

“Bitiwan mo sabi ako eh!”

“Bakit ba ang—”

“Naiwan iyong isang tsinelas ko!”

Natigilan si Yu sa narinig, pagkunwa’y bilang napahalakhak sa sinabi niya.

“You should have told me earlier,” natatawa pa ring sabi nito. Mayamaya’y binitiwan nito ang kamay niya.

“Kanina ko pa sana gustong sabihin, kaso napaka-epal mo!” namumula ang mukhang bumalik siya sa pinanggalingan nila ni Yu at pinulot ang naiwan niyang tsinelas na ibinato niya kanina sa binata.

“Alam mo bang namiss ko pati iyang kasungitan mo?”

Naningingkit ang mga matang binalingan niya ang pa-cute na binata. “Nangingilabot ako sa’yo!”

“Ganon katindi ang kagwapuhan ko? Wow! Pinagnanasaan mo ang aking katawang lupa?” eksaheradong nagulat pa kuno si Yu.

Natigilan siya. Kanina pa niya napapansin ang kaunting pagbabago sa ugali nito. “Bakit bigla bigla, nagiging pakengkoy ka? Bakit andami mong drama ngayon, ha? Ano ito, kasama sa bagong pakulo mo? May Paghihiganti Part 2 ka pa ba?” tuya niya.

“Aira…”

“Don’t call my name!”

“Don’t call my name!”

“Alejandro?”

Muling napahakhak si Yu sa tinuran niya.

“Palala ka na ng palala. Your being corny is contagious. Nakakahawa ka!”

“Aira…” muli nitong tawag sa pangalan niya.

“Kung iniisip mong napatawad na kita, nagkakamali ka. Dahil kahit na kailan ay hinding hindi na mangyayari iyon.”

Mabilis niyang tinalikuran si Yu at tsaka siya nagmartsa palayo.

BAHAGYANG natigil sa paglalakad palabas ng talipapa si Aira nang mapansin niya si Nikka na may hawak na banyera ng isda. Napansin niyang walang halos laman iyon. Tila baliw pang kinakausap nito ang sarili habang naglalakad. Agaw eksena ang suot nitong bulaklaking palda na kaparehong kapareho ng palda niya.

Mayamaya’y napamulagat siya nang bigla bigla ay pumasok sa eksena si Mang Edmundo na nakasuot ng mamahaling puting lacoste na polo shirt at faded maong jeans. Napataas ang kilay niya sa pang-mayamang porma ng matanda.

At halos mahulog ang puso niya sa gulat nang masaksihan niya ang sumunod na nangyari. Si Mang Edmundo at Nikka—nagkabanggaan! Nabuhusan ng mga bangus si Mang Edmundo! Mayamaya’y malakas ang boses na nagtalo ang dalawa.

“De ja vu?”

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. It was Yu, who was gourgeously standing behind her. Ang mga mata nitong puno ng lambong ay naghahatid sa kanya ng hindi niya maipaliwanag na init. Nabibingi siya sa biglaang pagbilis ng tahip ng dibdib niya.

Ibinalik niya ang tingin sa kinaroroonan nina Nikka at Mang Edmundo na abala pa rin sa pag-aaway. Kinilabutan siya nang biglang bumalik sa alaala niya ang eksenang iyon nang unang pagkikita nila ni Yu.

“Saturday, March 12, 2011, nakilala ko ang isang babaeng binago ang buhay ko. She brought out the worst in me that even I didn’t see it coming.”

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon