CHAPTER 7 : The Sweet Kidnap

311 16 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Aira ay nakasakay siya sa isang ferris wheel nang mga sandaling iyon. Nahihilo na siya kina Yu at Bennie na kanina pa parang pusang hindi mapaanak sa harap niya. Both were trying to outwit each other. Both were trying to catch her attention.

“Ai, tikman mo itong niluto kong nilagang baboy, masarap ito. Hindi ba’t paborito mo ito noong mga bata pa tayo?” nakangiting anyaya ni Bennie sa kanya.

“Di ba busog ka na? Kasi naubos mo iyong niluto kong porridge kanina. Here, take this. Mag-orange juice ka nalang,” biglang singit ni Yu.

“Teka teka, nahihilo na ako sa inyo aba!” sigaw niya.

Kung sa ibang pagkakataon siguro iyon ay tiyak na magkakaroon siya ng hydrocephalus, puputok ang self-confidence bag niya at magiging modern day rapunzel siya dahil pinag-aagawan siya ng dalawang gwapo at kagalang galang na lalake.

Pero takte naman, nakakairita na ang kalokohan ng dalawa. May sakit kaya siya!

“Nahihilo ka? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” natatarantang tanong ni Bennie. Mabilis siya nitong hinawakan sa braso at inalalayan.

“She’s fine. Maybe she just needs rest.”

Inalis ni Yu ang kamay ni Bennie sa braso niya. He gave Bennie a very sharp look. Uh-oh. Gumagrabe. Malapit na talagang pumutok ang ulo niya.

“Alam ninyo, kayong dalawa eh mabuti pang umalis na muna at iwan ako. Hindi naman sa nagagalit ako ano, pero kasi tama si Yu, kailangan ko ng magpahinga. I’d rather be alone now. So please, you can leave now,” nanghihinang wika niya. Nagkatingan ang dalawa.

Matagal siyang tinitigan ni Yu. Mayamaya’y napabuntong hininga ito. “Fine. I’ll leave. Just promise me, hindi ka gagawa ng kahit na anong makakasama sa'yo,” bilin nito.

“Ai, hindi kita iiwan,” determinadong sabi ni Bennie. She rolled her eyes. Hindi na nagbago si Bennie. Lagi na lang nitong ipinipilit ang gusto.

“Thanks for understanding Yu,” inignora niya si Bennie. Nakangiting bumaling sa kanya ang binata. Hindi niya akalaing magagawa siyang intindihin ni Yu sa isang simpleng nagmamakaawang tingin lang.

“F-fine! Aalis na rin ako!” deklara ni Bennie na halatang ayaw talagang magpatalo.

“Please be safe,” bulong ni Yu na ginawaran siya ng isang mainit na halik sa labi. Pareho silang nabigla ni Bennie sa ginawa nito. “Goodluck kiss lang,” nakangising paliwanag nito.

“S-sira!” natatawang sagot niya. Ah, grabe! Bakit ba kinikilig na naman siya?

“Makaalis na nga!” masungit na sabi ni Bennie bago sila iniwan. Mabibigat ang mga paang nagmartsa ito palabas ng apartment niya.

“Ikaw kasi,” natatawang paninisi niya kay Yu.

“Mabuti nga iyon e, masosolo na kita.”

“Loko!” namumula ang mukhang nag-iwas siya ng tingin.

“Joke lang.”

“It’s not funny,” kunwa’y ingos niya.

“Fine, mukhang nahihiya ka pang aminin na crush mo ako, kaya iiwan na muna kita.” Tumayo ito at mabining umalis sa tabi niya.

“Yabang!” natatawang iling niya.

“See you soon, sweetie. Magpagaling ka.”

“T-thank you.”

“Hindi ako tumatanggap ng thank you.”

“Wala akong pera, mahirap lang ako.”

“Edi ito na lang ang bayad mo.”

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon