“HELLO AI MY LABS!”
“Ay butiking nahulog sa kisame na napadapa ng nakapakeke!” natatarantang sambit ni Aira nang may biglang magsalita sa likuran niya.
Naiiritang napalingon siya sa kalbo lalaking noo’y nasa tabi na niya. May hawak itong cheap na bulaklak na halatang nabili lang nito sa kanto. She rolled her eyes at Mang Edmundo. Ngunit matapos niyang huminga ng malalim ay nagawa na niyang humabi ng isang pekeng ngiti para sa lalaking parang baliw na nakangisi sa harap niya.
“Wuzzap Mang Edmundo? Napadaan ka yata,” kunwa’y tanong niya rito.
“Bibisitahin ko lang ang pinakamagandang dalaga dito sa Maliboot Market. Para nga pala sa’yo my labs.” Kinikilig na iniabot nito sa kanya ang dalang mga bulaklak.
Kamuntik na siyang nasuka sa inakto nito. Pinigilan niya lang ang kanyang sarili dahil baka mapaaga ang paghuhurumentado nito. Pinagbuti niya ang pagngiti kahit na ngalay na ngalay na siya. Pailalim niya ring tinignan ang hawak nitong bulaklak bago inabot iyon.
“Salamat Mang Edmundo. You the beast among the rest!” ngiting aso ang iginawad niya sa matanda. “Magsalita ka lang ng tungkol sa utang ni Inay, ikukuskos ko sa aspalto yang kumikinang mong ulo,” banta ng isip niya.
Maingat niyang inilapag ang mga bulaklak sa katabi niyang upuan. Naghanda na siya para sa isang nakaambang giyera. Natitiyak niyang aarangkada na naman kasi ang bunganga nito sa pagpe-pressure sa kanyang magbayad sa utang ng nanay niya. Nang hawakan niya ang matalim na kutsilyo at napasinghap ang matanda.
“Maghunus dili ka my labs,” kinakabahang sabi ni Mang Edmundo na itinaas pa talaga ang dalawang kamay sa ere. Medyo namutla pa nga ito eh. “Hindi muna ako maniningil ng utang ngayon. Ipapaalala ko lang sa’yo na isang buwan lang ang maibibigay kong palugit sa’yo. S-sige, alis na ako.” Tsaka mabilis na tumalilis palayo.
Napailing siya. Noong isang araw lang ay sinabuyan niya ito ng tubig dahil sa pangungulit nito. He’s been courting and pestering her ever since he told her about her mother’s unpaid debt to him. Napabuntong-hininga siya.
“Mabuti at nakakaintindi ng sign language ang kalbong iyon,” iiling iling na bulong niya sa sarili habang kinakaliskisan ang mga paninda niyang isda.
“Ano’ng ibinubulong bulong mo diyan?” takang tanong ni Macke na abala sa pagwiwisik nito ng tubig sa mga paninda nitong isda.
“Sekretong malupit,” she replied smugly.
“May binabalak ka ano?” singit ng atribidang si Jhen. Prente itong nakaupo dahil tapos na nitong ayusin ang mga paninda nitong isda.
“Oo. Ipagluluto ko ng masarap na paksiw na bangus si Mang Edmundo,” sarkastikong sagot niya. “Sooobrang sarap,” dagdag pa niya.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang tsismosa. Biglang itinigil ni Macke ang pagwiwisik sa mga isda. Napatayo naman bigla si Jhen. “Tapos?” magkapanabay na tanong ng excited na mga bruha matapos lumapit sa kanya ang dalawa.
“Ipagtitimpla ko siya ng juice,” kibitz-balikat niya.
“Tapos?” interesadong usisa ni Macke.
Napatingin siya rito. Napataas ang kilay niya. “Tapos, ipapakain ko at ipapainom ang lahat ng iyon sa kanya.”
“Tapooooooos?” pigil ang hiningang tanong ni Jhen.
Naiirita na siya sa kabaliwan ng dalawa kaya naisipan niyang asarin ang mga ito. Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at tsaka pinamewangan ang dalawa.