CHAPTER 3 : Ang Paghihiganti ni Yu

433 25 0
                                    

 

Parang detective na pasilip-silip si Aira mula sa pinagkukubliang pulang Toyota na nakaparada sa maluwang na parking lot ng Maliboot Market nang hapong iyon. Wala sa loob na nakagat niya ang kuko ng kanyang tintuturo. Habang mukhang tangang naka-squat, sumandal diya sa kotse at napahinga ng malalim.

Napalunok siya. She saw Yu standing in front of his new silver Montero. Napakagwapo ng bruho! Mukha itong bagong paligo. Napahawak siya sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahang makaharap ito? Ngayon ang nakaambang sagupaan nila.

“Ah hinde! Bat ako matatakot? Sa ganda kong ito? Ano ngayon kung amoy isda ako? Magkaalaman na kung magkakaalaman! Dapat makuha ako!” parang sirang kinausap niya ang sarili. Kailangan niyang makapasok sa pageant dahil iyon na lang ang milagrong inaasahan niyang paraan para makakuha siya ng pera na ganon kalaki at kabilis.

Kahit kasi ano’ng pagkakayod ang gawin niya ay hinding hindi niya mabubuo ang isang daang libong piso sa loob lang ng isang buwan. Mabuti nga at anibersaryo ng talipapa kaya naisipan ng mga Hanagami na magpa-contest ng ganon eh.

“What on earth are you doing here?”

Yu’s eyes glinted surfeit amusement. Kulang na lang ay yumukyok ito at ituro siya habang mukhang baliw na tumatawa sa harap niya. Eksaheradang ipinilig niya ang ulo. Diyata’t lumalawak ang bangag niyang imahinasyon? Kusang nagbuhol ang mga kilay niya.

Don’t english engslish me!” sigaw niya. Mabilis siyang tumayo at nakapamaywang na hinarap ito. How she wished she could rub off that devilish grin on his face. Kumukulo ang dugo niya! Kaya ba namumula ang mukha niya ngayon? Aaaaaaaaaah!

“Why not?” nakangising inilapit nito ang mukha sa kanya.

She flinched back. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa nakakalokong mukha nito. Ibang iba sa seryoso at tila laging galit na mukha nito noong nagdaang araw.

“T-teka. What on earth are you doing?” she hissed. Awtomatikong napaangat ang mga kamay niya at nanginginig na pumatong iyon sa malapad na dibdib ni Yu nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.

His grin grew wider when he obviously felt her shiver. Tila napapasong inalis niya ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. She heard his mocking laugh when she did that. Mukhang gumaganti ang sakang ah! He’s making fun of her.

“S-siraulo ka! Get away from me!” buong lakas niyang itinulak ang binata ngunit ni hindi man lang ito natinag. “I said get away! Get off me!”

“Funny huh? Biglang umayos ang grammar mo,” nanunuyang puna nito.

Dagli siyang natigilan sa pagtulak rito. Ang matalim nitong mga mata ay nagsabing hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pang-tri-trip dito. Napakagat labi siya. Uh-oh. Busted. Alam na nitong inaasar niya lang ito sa pamali-maling English niya.

“W-waiting in vain Mr. Sa- este Mr. Pogi. I is just shocking to say those word in fronting you. I mean, my nose is blading! Oh no!” umangat ang kamay niya na tila sinasalo ang nahuhulog na dugo mula sa ilong niya. Ngunit sa halip na matawa ay mas lalo pa yatang nagalit ang binata dahil sa ginawa niyang ka-OA-han. She grimaced.

“Madami ka nang atraso sa akin,” matigas na sabi nito. “Unang una, you bathed me with your fish!” muli itong lumapit sa kanya. She stepped back and then swallowed. “Pangalawa, you splashed me with cold and dirty water.” Lumapit pa itong lalo. She stepped back again. “At pangatlo, pinagmukha mo akong tanga dahil sa pag-eenglish mong mali mali. You had my head hurt like hell for nothing!”

Sagad na ang espasyo sa likuran niya. She was sandwiched between the car behind her and his sturdy and delectable body. He was now leaning over her and she’s got nowhere to go.  Nasukol na siya ng tuluyan. Napalunok siya. Pinigil niya ang paghinga. Homaygolay!

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon