EPILOGUE

399 17 9
                                    

            NANGGAGALAITING ibinagsak ni Aira ang kutsilyo sa mesa. Padarag niyang winisik-wiskan ng tubig ang kanyang mga panindang isda. Nanunulis ang kanyang nguso habang bubulong-bulong.

            “Porke one year na kami, hindi na niya ako maalalang tawagan man lang? Siguro nagsasawa na sa akin ang sakang na iyon! Siguro may babae na siya sa Japan! Siguro, naisip rin niyang mas gusto niya ng mga mukhang tilapia at amoy sushi kesa sa akin! Siguro, nagsasawa na siya sa mga pang-aaway ko!” mas lalo siyang nanggigil sa galit dahil sa naisip.

            “Hoy Ai, ano’ng meron at parang gusto mong i-double dead iyang mga paninda mong isda?” nagtatakang usisa ni Jhen na katabi lang niya.

            “Huwag mo akong intindihin. Iyang mga isda mo ang intindihin mo!” sigaw niya rito.

            “Ang sungit ng lola mo! Basag ka Jhen!” kantiyaw ni Macke na tatawa-tawa.

            “Isa ka pa! Ikaw ang ido-double dead ko kapag hindi ka rin tumigil diyan!” baling niya rito. Nagkatawanan ang mga kasamahan niya.

            “Alam ko na kung bakit parang nanakawan ng isang milyon ang drama ng lola mo,” sabi ni Jhen. “Siguro, hindi ka pa binabati ni Sir Yu ano?”

            “Tigilan mo ako ah!” namumulang ingos niya.

            “Sus, tigilan daw oh, wala! Baka nakalimutan ka na ni Sir Yu. Mantakin mo naman, sa dami ng pwedeng makalimutan, itong first anniversary ninyo pa?!” kantiyaw ni Macke.

            “Tigilan ninyo sabi ako,” nanunulis ang ngusong saway niya sa mga ito.

            “Paano kung isang araw, dumating si Sir Yu na may kasamang isang napakagandang haponesa?” pagpapatuloy ni Jhen.

            “Hindi ninyo ba talaga ako titigilan!?!” inis na inambahan niya ng suntok ang mga ito.

Natatawang nagtaas ng kamay ang dalawa. Padabog niyang inalis ang suot na apron.

“Bantayan niyo itong mga paninda ko! Mangangalap lang ako ng hangin! Muntik akong maubusan dahil sa mga pambwi-bwiset ninyo!”

            Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo mula sa kanyang pwesto ay napatigil na siya sa paglalakad. Paanong hindi siya mapapatigil, eh nakakita siya ng isang tangkay ng pulang rosas sa daan.

            Napalinga siya sa paligid. Akmang pupulutin niya iyon ng mapansin niyang mayroon pang isang tangkay ng pulang rosas di kalayuan sa kinaroroonan ng pupulutin niya.

Nagtatakang pinulot niya iyong dalawa. Sa paglalakad niya, napag-alaman niyang may iba pang rosas ang nagkalat sa daan.

            Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kinutuban siya. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang basta bastang maniwala sa kanyang sapantaha.

Kailangan niyang makasiguro. Kinakabahang ipinagpatuloy niya ang paglalakad at pagpulot sa mga rosas na nakakalat sa daan.

            Ano kaya ang nasa dulo niyon?

            Hindi naglaon ay narating niya ang dulong kanina pa niya gustong makita. Nakarating siya sa gitna ng malawak nilang talipapa. Napaluha siya nang makita kung ano ang nakalagay roon.

            Sa isang napakalaking tarpaulin ay nakalagay ang mga katagang: HAPPY ANNIVERSAY AIRA! YOU ARE THE MOST BEAUTIFUL THING THAT EVER HAPPENED TO ME. I LOVE YOU SO MUCH, ANATA.

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon