CHAPTER 4 : The Kiss ^___^

339 22 1
                                    

 

Parang sinilaban ang pakiramdam ni Aira nang umagang iyon habang papunta siya sa kanyang pwesto. At exactly five o’clock in the morning, she was already inside the market to arrange her “precious isda”.

Dati naman siyang maaga maghanda ng kanyang mga paninda, dati naman siyang maganda tuwing umaga dahil nagsesepilyo at naliligo naman siya, dati naman siyang sexy araw araw, kaya nagtataka siya ng lubos nang mga oras na iyon dahil sa mga kakaibang tingin sa kanya ng mga kapwa niya tindero at tindera sa talipapa.

“Ano’ng meron? Tinubuan ba ako bigla ng pakpak? Nagkaron ba ako ng sungay? O bigla kong naging kamukha si Kokey? Bakit ganyan kayo makatingin?” singhal niya sa mga ito.

Ngunit sa halip na sumagot ay tahimik na nagpatuloy ang bawat isa sa kani-kanilang mga ginagawa. “Weird,” naisip niya. Nagkibit balikat siya. Dumiretso siya sa kanyang pwesto.

“Good morning Macke at Jhen!” masiglang bati niya sa kanyang mga katabing tindera bago niya inilapag ang dala niyang bag.

Natigilan siya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng mga ito. Everything felt weirder, she thought. Hindi na siya nagsalita, bagkus ay nagsimula na rin siyang mag-ayos ng kanyang mga panindang isda.

“Good morning everyone!” Yu’s animated welcome conquered the silence inside the talipapa ever since she came. Bigla kasing nagkabaterya ang mga tao sa paligid niya.

“Good morning sir Yu!” masayang bati ng lahat dito.

Napasimangot siya. “Bakit yang Yu na 'yan, binati ninyo, samantalang ako na anak na ng talipapang ito ay dinedma ninyo?” reklamo niya. To her astonishment, everybody ignored her again. Napakurap siya.

“Poor amazona. Wala ng kakampi,” tuya ni Yu. Galit na binalingan niya ang binatang mas lalo pa yatang lumabas ang kagandahang lalaki sa suot na puting lacoste polo shirt at faded maong jeans. Para itong hinugot mula sa loob ng cosmo magazine. Nakakainis!

“Ano’ng ibig mong sabihin?” she demanded. Pilit niyang ipinaibabaw ang inis sa binata upang matabunan ang sumisibol niyang pagnanasa.

Dammit! Isa siyang kaaway Ai, kaaway na gagawin ang lahat mahadlangan lang ang nais mong kayaman! Kaaway na sobrang hot at ang sarap papakin kahit napakasama ng ugali! Waah! Lord help her.

“Tinalikuran ka na ng lahat, Aira. Lahat sila, kakampi ko na,” nakangising sagot ni Yu. Iminuwestra pa nito ang dalawang kamay na tila tumatanggap ng biyaya mula sa langit.

Napalingon siya kina Macke at Jhen. Kasingbilis ng pintig ng puso niya ang ginawang pagyuko ng dalawa. “So, nabayaran mo na lahat ng taga-talipapa?” she said in a sugar coated tone—trying to cover up her bitterness.

Paano siya nagawang ipagkanlulo ng sariling mga kakosa? Kahit naman hindi sila super friends ng mga kasamahan, inakala pa rin niyang matatakbuhan niya ang mga ito sa oras ng kanyang pangangailangan.

“Iiyak ka na ba, amazona?” nakakaloko pang yumukod si Yu upang maging magkapantay ang mga tingin nila.

Sa lapit ng mukha nito sa kanya, kulang na lang ay magdikit ang mga ilong nila. Parang may kung anong bumundol sa dibdib niya dahil sa ginawa nitong iyon. Napalunok siya at muling napakurap.

What’s happening to her? Naging eratiko ang pintig ng puso niya. Hindi niya makakayang tanggapin na ganon kalakas ang epekto ng kolokoy na ito sa sistema niya.

Lalong hindi siya papaya na hahamakin na lang siya nito ng ganon na lang! Biglang dumukot ng asin ang kanyang kamay at galit na isinaboy iyon sa gulat na gulat na binata.

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon