CHAPTER 5 : Ang Haba ng Hair!

339 19 1
                                    

ISANG LINGGONG tahimik ang mundo ni Aira sa Maliboot Market. Isang linggong hindi nagpakita sa kanya si Yu, isang linggong walang pumansin sa kanya maliban sa mga suki niya.

Ngunit isang linggo rin siyang hindi pinatahimik ng alaala ng nakakalokang halik nito. Sa tuwing naaalala niya ang halik nito ay hindi niya napipigilang hindi mamula.

“Qualified ka na Ai, goodluck sa pageant. Sana manalo ka,” nakangiting sabi ni Mark, ang head tindero nila sa Talipapa. In fairness naman kay Yu, mukhang nakonsiyensya ang bruho dahil sa pagpapahiya sa kanya noong isang linggo.

He didn’t meddle with her application for the said pageant, kagaya ng nauna nitong banta sa kanya noon. Dapat ay magsaya siya kasi kasali na siya sa pageant pero bakit ganon? Bakit hindi niya magawang tumawa o magtatatalon man lang sa tuwa?

“S-salamat,” tipid siyang ngumiti kay Mark. Naroon siya sa main office sa Maliboot Market dahil ipinatawag siya at sinabihang qualified na siya para maging contestant.

“Congrats Ai, galingan mo ha?” ani Gerlie, isa ring tindera at kagaya niya ay biniyayaan ng kagandahan kaya kasali rin sa patimpalak.

“Salamat. Galingan nating pareho,” ngiti niya rito.

“Pwe! Nakakasuka ang kaplastikan ninyong dalawa,” pasaring ng leader ng Team Mahaderang si Dessery. Kagaya niya ay kasali rin ang mga ito sa pageant, pati na ang Maliboot Angels. Napasimangot siya. Heto pa ang isang sakit sa ulo niya.

“Ampalayang ampalaya tayo ngayon ah, Dess,” ngiting asong sabi niya.

“Bwisit ka kasi! Hindi ka pa umatras!” galit na sigaw ni Yesha na parang biglang sinapian ng masamang espiritu. Kulang na lang ay manlisik ang mga mata nito.

“Bakit, natatakot kayong baka matalo ko kayo?” tuya niya. Masama ang mood niya nang araw na iyon kaya hindi niya naiwasang mapika sa inaakto ng mga ito.

“Ambisyosa ka! Ikumpara mo ba naman sarili mo sa'min?” itinulak siya ni Sweetdarz.

Mabuti na lang at napahawak siya sa hamba ng upuan kaya hindi siya tuluyang napaupo sa sahig. Hindi umubra ang talim ng tingin niya dahil inismiran lang siya nito.

“Malandi kasi 'yan, akala mo kung sinong bait baitan,” angil ni Rose.

“Akala mo kung sinong matimtimang birhen!” sahod ni Gerryjane.

“Iyon pala, masahol pa sa babaeng martilyo!” tuya ni Angelica.

Natahimik siya. This has been the issue since the day Yu kissed her. Lahat ng babae sa lugar nila ay galit na sa kanya. Kahit iyong mga suki niyang single, ayaw na rin sa kanya.

Siya na ang ginawang mortal enemy ng biglang sikat na si Yu—ang astig, cool, gwapo, mayaman, big catch, eligible bachelor ng Talipapa.

Nang maalala ang walanghiyang binata ay lalo lang siyang nainis. Kung hindi dahil dito ay masaya pa sana siya—maraming kaibigan, maraming suki, at higit sa lahat, mapayapang nakakatulog sa gabi dahil walang halik na tuksong sumisingit sa isip niya.

Ai Loves Yu (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon