Chapter 38 is here!
-----------
3rd Person
"Kailangan ko ng umuwi." Ani Sue habang aakmang tatayo.
Matapos niyang marinig ang lahat ng nangyari kanina ay naisipan niyang umalis na sa bahay nina Mr. Beauregard. Pero ang lahat ng narinig niya ay hindi pa ang buong katotohanan. Gusto sanang sabihin ni Kurt ang totoong pamilya ni Sue ngunit nagaalangan pa siya.
Anong magiging reaksyon niya?
Makakaapekto kaya ito sa kalagayan niya?
Pagnalaman ba niyang isa siyang Beauregard ay babalik ba siya?
Paano kung ayaw niyang bumalik?
Pero kapatid ko siya kailangan ko siya at kailangan niyang malaman ang totoo.Pinigilan siya ni Kurt. "Hindi pwede Ate.."
Napalingon siya't natigilan. Bumabalik sa isip niya ang pagtawag sa kanya ng isang batang lalaki. Ate.. ate.. ate..
"Ah Sue, hindi pa pwede. Ang kondisyon mo.. kailangan mo munang magpagaling ng ilang araw. Paano kung lumala ito? Paano kung may mangyari na naman sayo?" Pagaalalang tanong niya.
Ngunit di mawala sa isip ni Sue ang mukha ng bata. Tumatawag ito sa kanyang pangalan at ito'y umiiyak.
Ate..
"Sino ka? Sino kayo? Bakit niyo ako iniligtas? Bakit ba lagi mo akong nililigtas!?" Galit na tanong ni Sue.
Nagulat si Kurt sa sigaw nito at hindi makasagot. Ano nga bang isasagot niya?
Naguguluhan si Sue, ano bang nangyari at bakit di niya na naman maalala? Kahit anong tagpi-tagpi niya sa nangyari nang gabi na iyon ay wala parin. Ano ba ang totoo? Ni isa ba ay may nagsabi sa kanya ng totoo?
Napaupo siya ng nagsimula na namang sumakit ang ulo niya. Dali-daling pinuntahan ni Kurt si Sue ngunit itinabig nito ang kamay niyang aakay sana sa kapatid niya.
"Sino ka?" Naluluhang tanong nito sabay hawak sa braso ni Kurt. Imbes na kamay ang hahawakan nito ay ang braso ni Kurt ang ginawa niyang sandigan.
"Ate.." sabi nito sa kanyang isip.
"Manang Fe, pakitulungan nga ito si Sue. She will go to her room." Hindi niya sinagot si Sue. Sa isip niyay tama lang muna na di siya sumagot sa mga tanong nito baka ay hindi niya kaya.
Kinuha niya ang kamay ni Sue sa pagkakahawak sa kanya at tinalikuran ito. Ayaw niyang makitang ganyan ang kapatid niya. Mas lalong siya nanggigil at naiinis sa lahat ng taong gumawa ng experimento sa kanya. Napakuyom ang kamao nito.
Inilalayan siya ni Manang Fe, ngunit tinaboy niya rin ito at sinabing.. "Aalis na ako. Ayaw kong makaistorbo sa inyo. Maraming salamat sa tulong niyo ngunit di ko kayang magpahinga ng hindi ko natutulungan ang kaibigan ko.. ng dahil sa akin ay nanganganib sila." Mariin niyang sabi.
Napalingon si Kurt at napakunot ang noo ng tumayo na si Sue at nagsimula ng maglakad.
Lumingon si Manang Fe sa kanya at nagulat. "Kurt pigilan mo siya." Tawag niya.
Mas lalong kumuyom ang kamay ni Kurt.
-----------------
Gl
"Venice!" Tawag ko sa kapatid kong nasa loob ng classroom.
She raised her brows, as if saying "what". I eyed her to get out cause I need her to do something.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GANGSTER
Fiksi Remaja"She has no feelings, no emotions, and no expressions. She don't know how to smile, even to laugh." That's how other people see her in their campus o kahit pa sa labas ng campus ay iyan din ang kanilang nasasabi sa kanilang isipan. She's a tough one...