CHAPTER 2 - CRYING LADIES LANG ANG PEG

6 0 0
                                    

Ano ba to? Nagmuka tuloy akong engot sa harapan ni Ran. Hay naku! Epic fail nga talaga.

Sinampal ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang palad. "Hay Maki Yidala!! Get a hold of yourself!!" Sabi ko sa sarili ko. Nababaliw na ata talaga ako dahil tinangihan ako ni Ran.

Pilit kong sinasabi na ayos lang kaso, talagang masakit eh. Akala ko pa naman magiging makulay ang last two years ng aking Senior Year (Grade 11 at 12) pero hindi pala. Sh*t!!! Sh*t!!! Sh*t!!! Sh******t!!

At ayan pa, bigla nalang kumulog ng napakalakas. Lumakas pa yung hangin at nagdidilim yung langit. Buwis*t. Hindi pa nakikisabay ang panahon. Mas lalo tuloy akong nadedepress. Hindi na rin ako huminto sa pag-iyak kahit ilang beses ko pang punasan yung mga mata ko. Para tuloy akong bata, kulang nalang eh kahit sipon lumabas na.

Napabuntong hininga ako at umalis na sa rooftop. Uuwi nalang ako. Ayaw ko na. Bumababa ako sa hagdanan nang biglang nag-ring yung phone ko. May text galing kay Anne.

'Hi Best!! Hindi ako makakasabay na umiwi kasama mo ngayun. May meeting pa kasi kami sa Student Council eh. Mauna ka na. See you tomorrow. --Anne'

Nga naman, itong malditang to, ngayon pa naman na depress ako, tsaka naman ako iiwanan. Pero, kung sabagay, hindi niya naman kasalanan eh. Actually, sa totoo lang, parang karma itong nangyari saakin. May gusto rin kasi si Anne kay Ran. Oo, dalawa kaming mag-bestfriends na may gusto sa kanya, sa iisang lalake. Open nga kami doon eh, alam namin sa may gusto ang isa't-isa sakanya. Kaso nagpangako kasi kami ni Anne noon na dapat walang magcoconfess ng feelings kay Ran kung hindi pa kami graduating. Ako naman kasi, nagmamadali kaya imbes na hintayin mag-grade 12 eh ngayun palang na Grade 11, sinabi ko na ang feelings ko kay Ran. Medyo malakas rin kasi ang loob ko kasi mas close kami ni Ran. Syempre sub-leader siya ng Streetz namin kaya naman may advantage ako. Pero, akala ko lang yun. Marami talagang namamatay sa maling akala.

Sh*t talaga!! Gusto ko nang maglaho sa mundo. Ang sakit pala, sobrang sakit ang malaman na hindi ka pala gusto ng taong mahal mo. Nakakainis rin tong mga matang ito. Punas na nga ng punas, ayaw pa ring tumigil sa ka-iiyak. Ano ba yan!!

Wala na akong pake-alam sa lahat ng mga nakatingin saakin sa corridor. Basta naglalakad nalang ako. Gusto ko na talagang umuwi at magpaka-emo sa loob ng kuwarto ko.

Oy, oy!! Hindi ba si Maki yun? Umiiyak siya oh!!

Ay oo nga! Ano kayang nangyari?

Baka naman tuluyan na siyang natalo sa isa nilang mga gang war.

Wehhh?? Di nga? Si Maki? E Mighty Maki nga palayaw natin diyan eh. Kasi kahit babae yan eh never pang natalo sa isang laban.

Psshhh.... Mighty Maki. Ni ayaw ko ngang tinatawag ako niyan, parang mukhang baretang ginagamit sa paglalaba. Kaso lang, wala ako sa mood na makipag-away sakanila eh. Alam naman nilang ayaw kong tinatawag akong Mighty Maki. Parang korny lang.

Kinuha ko yung bag ko sa classroom namin. Umiiyak pa rin ako. Buti nalang walang masyadong tao kasi dismissal na. Pagkalabas na pagkalabas ko sa school building eh umuulan na ng tuluyan. Ano ba yan! Badtrip naman eh.

Hinayaan ko nalang yung ulan, total basang-basa naman na yung damit ko sa kaiiyak at kapupunas sa mga mata ko, pareho rin lang kaya nagalakad ako sa ulan.

Malamig pero masarap sa pakiramdam yung ulan. Parang sinasabayan niya rin akong umiyak. Drama lang? Pero, salamat sa ulan, nakikiramay saakin eh.


And Then...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon