CHAPTER 3 - FIGHT-OH

5 0 0
                                    



"Nandito na ako." Pambungad ko sa pintuan yun agad ang sinabi ko. Inaayos ko na yung sapatos ko nang biglang bumukas yung pintuan sa kusina tapos may tugtog pang kasama.

Heto ako, basang-basa sa ulan

Walang masisilungan, walang malalapitan

Sana'y may luha pa, akong mailuluha

At ng mabawasan ang aking kalungkutan

Ang drama naman!!! Paking Siyete!!!! Hindi lang ulan ang nakikiramay saakin, pati kanta sa radyo nakikiramay rin!!! Echuserong radyo!!!

"Oh, bakit ka basa sa ulan? Nilagay ko naman yung payong mo dun sa bag mo kaninang umaga ha."

"Hi kuya Matt," Yun nalang ang kaya kong maisagot. Buti nalang talaga nabasa ako sa ulan, hindi obvious na umiyak ako ng todo-todo.

"Hala, magkakasakit ka ata, namumula yung mata mo oh." Ika ni Kuya Matt. "Oi Mark, kuha ka nga ng tuwalya, nabasa si Maki sa ulan!" Sigaw niya sa likuran niya.

"Oh!! Sige andyan na!!" Sabi ng boses sa loob ng living room.

Napangiti ako ng kaunti. Ang babait talaga ng dalawa kong kuya. Kahit pumanaw na ang mga magulang namin, ni hindi ko man lang naramdaman na hindi kami kumpleto. Si Kuya Matt, 27, ang panganay at siya ang karamihang tumatayo bilang tatay at nanay namin. Magaling yang magluto kaya isa siyang chef sa isang 5 star hotel. Si Kuya Mark, 22, naman ang gitna sa aming magkakapatid. Graduating na yan sa college at kumukuha ng accounting. Kung si Kuya Matt ay sweet at mapag-aruga, si Kuya Mark eh may pagka-isip bata naman at lagi akong inaasar.

Actually, dalawa silang magaling sa martial arts. Marami na rin silang napalanunan na mga kompetisyon kaya naman nung bata pa ako ay tinuturuan na nila ako. Heto tuloy ang itsura, naging gangster tuloy ako. Hindi nga lang nila alam iyon.

Bumalik si Kuya Matt sa kusina at si Kuya Mark naman eh pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.

"Oh, ayus-ayusin mo na iyang sarili mo at kakain na tayo mamaya."

"Umm... Ayaw kong kumain Kuya Mark."

Nagulat ata si Kuya Mark sa sinabi ko. "Haaahhhh!!!! Ano bang nakain mo at sinasabi mo yan. Ikaw nga itong parang baboy kung kumain eh!! Hahahahahaha!!!"

Napangiti nalang ako ng maliit. Wala akong lakas para makipagsuntukan at makipag-asaran sakanya.

Nanlaki ang mga mata Kuya Mark kaya nagtatakbo papuntang kusina. "Kuya Matt!! Kuya Matt!!! Sinapian na ata ng masamang espirito itong si Maki. Tumawag ka na ng albularyo!! Bilis bilis!!"

Napa-buntong hininga nalang ako. Ang OA talaga ni Kuya Mark. Ever.

Dumiretsyo nalang ako sa kwarto ko. Nagshower ng kaunti at nahiga sa kama ko. Sa tabi ng unan ko, nakita ko yung white bear na binigay saakin ni Ran noong last birthday ko. Maalala ko pa noon na dahil birthday ng leader ng Streetz, naghanda ang mga members ko ng kaunting salo-salo. Hah. Matatawag ba yung salo-salo eh parang normal na araw lang yun na pagtatambay sa likod ng school (tinatawag naming HQ or short for Headquarters.), nagbigay lang sila ng mga regalo.

Si Ran talaga ang naiiba sa kanilang lahat kasi kung yung mga iba ang bigay nila eh jacket, baseball bat, sombrero at iba pa, si Ran eh ang binigay white bear.

"Hah!!! Anong meron?? Bakit ang korny naman ng binigay mo sub-leader!!" Sabi ng isa sa mga members ko.

"Haha!! Bakit? Babae naman itong si Leader natin eh. Sure akong gusto niya niyan."

Naalalala ko pa na super pogi siya nung ngumiti siya sabay bigay saakin yung bear. Kyaahhh!!! Siya na talaga.

Kaso...

Bumalik ako sa present.

Oo, assuming ako eh. Akala ko maibabalik niya yung feelings ko, hindi pala. Buti sana kung nagbigay siya ng panahon para sagutin ako, kaso hindi eh. HINDI at SORRY agad ang sagot niya. Uwaaahhhh!!! Ayaw ko na. Hindi ko na siya gusto!! Supoooot!!!

Kinuha ko yung white bear at hinagis sa dingding.

"F*ck you!!!!!"

Sinubukan kong matulog kaso puro inis, galit at hiya nalang naiisip ko. Wala, umiyak nalang ako hanggang sa makatulog ako.

Umaga na. Ang sakit ng mga mata ko. Mabigat rin ang pakiramdam. Wala rin akong ganang kumain ng agahan kaya nag-decide akong dumiretsyo nalang sa school pagkatapos maligo at magbihis.

"Ito, idala mo nalang itong baon sa school mo. Hindi ka nanaman kumain ng breakfast, hindi ka na nga kumain ng dinner eh." Inabot saakin ni Kuya Matt yung lunchbox.

Nasa pintuan na ako papaalis ng bahay. Umalis na rin si Kuya Mark. Maaga siya ngayon kasi gagawin raw nila yung thesis nila.

"Thanks Kuya Matt."

Nagulat naman ako kasi bigla bigla nalang akong niyakap ng mahigpit ni Kuya Matt.

"Ku-kuya?" Sa sobrang higpit e parang hindi na ata ako makahinga.

Niluwangan ni Kuya Matt at yakap saakin. At parang hinaplos haplos niya yung likod ko.

"Kung may problema ka sabihin mo lang ha, Maki. Nandito kaming mga kapatid mo. Hindi ka namin papabayan."

Hindi talaga maipagkakaili ang dugo. Alam kaagad ni Kuya Matt na malungkot ako. Kaya lab na lab ko to eh!! Sa sinabi niyang iyon, parang nabuhayan ako ng loob. Niyakap ko siya nang mahigpit at parang siya naman ang nasaktan sa bigla kong reakson at galaw.

"Yes Kuya!! Labs you!!!"

"Buti naman at okay ka na. Punta ka na. Baka ka ma-late." Sabay hawak sa balikat ko.

Nag-smile ako sakanya at nagbabye. Oo tama yan. Meron akong pamilyang nasa tabi ko lang at hinding-hindi nila ako iiwanan. Hindi rin ako isang talunan ng babae. Leader nga ako ng isang gang eh. Malakas ako. Kaya ko ito...


And Then...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon