**Rustle rustle...**
Binuksan ko ang aking mga mata. Hmmm... Color white? OH MY GAAASSSHHHH!!! Nasa langit na ba ako??!! No way!! Masyado pa akong bata para mamatay!! I'm just 17!!!!
**Kurot sa pisngi**
Napabukas ang aking mga mata. Totally awake. At na-realize kong nandito ako sa clinic ng school.
" 'I'm just 17' ka dyan!! Baliw!!" Nasa tabi ko si Anne, nakatingin saakin, mukha siyang naiiyak, pero may kaunting galit yung mukha niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Maki. Bestfriend kita pero hindi ka tumupad sa usapan natin. Hayan tuloy muntik na kitang masaktan." Pa-teary teary eyed effect pa siya.
"Ermmm... Sorry ha Anne.. Sorry talaga.. Ayaw mo yun, malay mo kaya ako tinanggihan ni Ran eh baka may gusto pala saiyo?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Hahaha. No way Maki. Kita mo ngang OUTRIGHT ka niyang ni-reject. Kung may gusto siyang ibang tao, sinabi na niya sana saiyo 'yun." Pagrarason ni Anne.
Nag-pout ako ng face. "Kung maka-sabi ka naman ng OUTRIGHT parang hindi man lang pinag-isipan ni Ran yung sagot niya. Parang nagmumukha tuloy na hindi ko pa natatapos yung sentence ko eh biglang reject agad!! Agad-agad!! Ikaw na!!"
Napatawa naman si Anne sa sinabi ko. Tapos hinug niya ako. "Tssskkk... Lalake lang iyon. Hinding-hindi ko ipagpapalit sa lalake ang pagkakaibigan natin."
Hinug ko rin si Anne. "Awwwhhh... Labs kita!!!"
Ganun lang at okay na kaming dalawa ni Anne. Ang lakas ko talaga sakanya!!
Sinabi niya nalang na nag-faint raw ako sa sobrang pagod, idag-dag niya pa yung parang earthquake na ginawa niya saakin kanina kaya naman raw pinunta ako sa clinic. Dismissal na rin pala nung nagising ako. Tuloy, I skipped classes, pero at least valid naman reason ko eh. :3
Paalis na kami sa gate nang maalala ko, "Ay wait lang Anne. Yung gang ko, kailangan ko pang puntahan."
"Ay huwag na Maki, kinausap ko na si Hero at si Gin. Sinabi ko yung nangyari. Okay lang raw na magpahinga ka. Wala naman kayong gagawin ngayon eh." Sabi ni Anne.
"Ahh.. Thanks.. Uwi nalang tayo." Pagyayaya ko naman.
Yup. Alam ni Anne na leader ako ng Streetz. Astig nga eh kasi kahit Student Council President siya eh okay lang sakanya basta we are following the school's rules and regulations about ethics and grades. Maniwala man kayo o hindi, I'm proud to say na ang mga members ng Streetz ay walang bisyo. Ermmm.. meron naman yung iba kaso sinabi ko sakanila na kung mahuli ko sila, huwag na silang magpapakita saakin kundi tigok sila saakin. Tungkol naman sa gang wars eh hindi lang kami nagpapa-halata at laging defensive stance lang ang gawi namin. Basta ma-protektahan lang ang teritoryo namin at hindi kami manakop ng iba. Minsan masasabi ko ring may advantages kami dahit bestfriend ko ang Student Council President kaya minsan lusot kami sa mga gulo pero as much as possible iwas-iwas kami sa ganyan para hindi pa magkaroon ng mas malaking gulo.
Palabas na sana ako ng gate ay may napansin akong isa sa mga members kong papunta saakin. Sa itsura niya mukha siyang binugbog ng todo todo.
"Lea--der!!!" Naghihingalo siyang lumapit saakin. Napaluhod siya sa harapan ko at inalalayan ko siya.
"Bakit anong nangyari?!" Sagot sakanya.
"Si Hero at Gin!! Napa-away si--la!! Malub-ha silang nasugatan dun sa right border na-tin. Mukhang wa--la tayong laban. Yung mga taga CARDS ng Joseph High School ang nagsi--mula. May bago silang leader at parang naghahanap ng gulo!! Parang may mga bago rin silang members at mala--lakas sila."
"Ano?!! Imposible... Si Ran? Bakit hindi niyo tinawag si Ran?!" Kung silang tatlo, makakaya nila siguro.
"Wala si R--an, Leader. Hindi niya sinasa--got ang mga tawag namin sakanya." Mukhang mawawalan na ata siya ng malay. Pinahiga ko siya sa gilid ng gate ng school namin.
Delikado ito. Siguro talagang malakas sila. Kung yung Yin at Yang namin eh natalo, kailangan pa ata ng mas malakas ng puwersa para dito.
"Sige. Pupunta na ako."
Bigla akong hinila ng aking sugatang member. "Mag-ingat ka Lea--der." At nakatulog siya. Puno ng pasa yung buo niyang katawan. Medyo duguan rin ang kanyang puting collared uniform.
Tumayo na ako at tinali ang aking buhok.
"Huwag Maki!! Hindi ka pa nakakapahinga. Tignan mo iyang itusra mo, medyo maputla ka pa. Mukhang magkakalagnat ka pa oh!!" Pinipigilan ako ni Anne.
"Tskkk!!! Huwag kang mag-alala saakin. Ako pa!! Chicken lang yang mga yan!!" Binigay ko yung bag ko kay Anne. "Bahala ka na sakanya," tinuro ko yung ka-miyembro kong sugatan.
"At bahala ka na rin kung anong palusot kina Kuya Matt at Kuya Mark. Kilala ka nila, pinagtitiwalaan ka nila." Nilabas ko na rin yung leather gloves na lagi kong dala kung makikipaglaban.
"Paano kung anong mangyari saiyo?! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga kuya mo?!"
"Tskkk!!! Sabi ko nga Anne, Don't be a worry freak okay? I'll be alright! Kilala mo na ako. Alam mong hindi ako ganun ganung madaling nasusugatan. Cheapstake lang ang mga yan!! Here. Dadala ko tong phone ko para i-text nalang kita."
"Pe.. Pero. This day. I have a bad feeling." Pilit ni Anne.
"Pshaaawww... Eh feeling mo rin lang pala eh!!! Huwag mo akong gayahin na feeler. Hehehehehe... Babye!!" Tumakbo na ako palayo kay Anne bago pa kung anong mga ka-echosan ang sabihin.
BINABASA MO ANG
And Then...
Romans"The credit is not mine alone sir... Kaito.... He also opened my heart... He gave a new chance to love." - Maki Yidala, 17, Streetz gang leader, Kuroko no Basket fanatic 17 year old Maki Yidala is at the peak of her life. Being a gangster leader b...