CHAPTER 15 - ANG ALOK

3 0 1
                                    


Hindi ko alam na yung lugar kung saan magcoconcert si Kris ay isa palang bar. Malakas ang tugtog, maraming nagsasayaw sa dance floor at may kumakanta sa stage. Marami ring mga inumin na binibigay at ino-order ng mga tao. Maliwanag at pakislap-kislap ang mga ilaw na iba't-iba ang kulay. Pambihira...

"Okay ka lang ba leader?" Tanong saakin ni Ran habang papunta kami sa loob ng bar.

"Oo." Maikli kong sagot.

Lahat ng tao ay nakatingin saamin. Siguro dahil baka lahat sila ay miyembro ng CARDS at alam nilang dalawa kami ni Ran ay galing sa kabilang gang, Streetz.

"Ohhh!!! Look who's here." Narinig namin ang boses ng isang tiongo.

"Anong problema mo." Humarap si Ran na tila prinoprotektahan ako kay Chard.

"Hmmppp.. Wala lang." Lumapit siya kay Ran. "Swerte ka dahil sinabihan ako ni Kris na walang gulo ang dapat mangari ngayon, kundi..." Nagsinyales siya na parang pinupugutan ng ulo.

"Heyyy!!!" May sumigaw mula sa harapan namin na pilit sumisiksik sa grupo ng mga tao. Papunta siya saamin.

"Maki!! I'm glad you're here." Nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni Kris.

"Hands off." Hinila naman siya ni Ran.

"Woahhh!! Chill dude. Hindi mo ba alam ang friendly hug?" Nakangiti siya kay Ran at nakataas ang dalawang kamay in surrender.

Samantala nanlilisik naman ang mga mata ni Ran. Minsan ko lang makita ang itsura niyang ito. Hindi ba obvious na Canadian-Chinese si Kris kaya ganun siya kumilos? Hay... Medyo 'foreigner-like' ika nga.

"Hali kayo. Ni-reserve ko ang upuan niyong dalawa." Nauna na maglakad saamin si Kris at sinundan naman namin siya.

Laking gulat ko nang makarating kami sa mga upuan ay naroroon si Kaito at naka-cross legs at arms.

Nagtinginan kami. Kumunot yung kilay niya, at inisnab ko rin siya t.

Tila narandaman ni Kris ang tension. "Ohkay." I'm just going to leave you guys there. It's time for my performance." At nagmadali na itong umalis.

Nang nakaalis na ito, sobrang tahimik ang table namin kahit maingay ang paligid. Si Kaito, Ran o ako man ay hindi man lang nagsasalita. Randam ko ang tension. Gusto ko man magsalita para hindi awkward, hindi ko ito magawa kasi hindi ko pa mapatawad ang ginawa ni Kaito na panloloko saakin.

Nagsimula naman na mag-rap si Kris sa stage.

Wala akong masabi kundi "nice." Mabilis ang rap niya at klaro ang bawat mga salita. May beat ito kaya naman tuloy-tuloy at ang mga tao rin ay sumasabay sa kanilang pagsasayaw.

Makalipas ang limang kanta, humingi ng kaunting break si Kris at siyang bumalik sa stage. May back-up song naman na tumugtog habang namamahinga ang mga performers.

*Rinnnnngggg.... Rinnnnnngggggg... Rinnnnnggggg....*

Kinuha ni Ran ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Tinignan niya kung sino ang tumatawag.

"Sino?" Tanong ko sakanya.

"Si Anne." Tumayo siya. "Lalabas muna ako leader."

"Sige lang. Feeling ko, gusto niya lang makibalita kung ano ang nangyayari ngayon." Sambit ko.

Tumingin si Ran kay Kaito. "Huwag kang magkakamali." At umalis na siya.

Hala...

Oo nga...

And Then...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon