CHAPTER 14 - UNEXPECTED CONDITION

2 0 1
                                    


Tuesday na at dismissal. Ang buong Streetz ay nasa HQ kasama si Anne.

"I don't think you should go to the concert leader." Nagsalita si Ran.

"Ako rin!!! Ayaw kong pumunta ka sa magubat na lugar na iyon!!!" Lagi na lamang humihiyaw ni Hero. Minsan ay nagwi-wish akong mamaga ang kanyang lalamunan kahit isang oras lang para hindi mabingi bawat tao na nakaka-usap niya. Hahahaha. "Hindi ba Gin??!!" Tanong ni Hero sa kaibigan.

"Un." Tango lamang ni Gin.

"Hindi." Nagsalita ni Anne. "Magkaiba si Kris at Kaito. Pambabastos iyon lalo na sa Vice President ng school na makiki-collaborationan ng school natin." Kahit saan talaga'y rational kung mag-isip si Anne.

"Delikado pa rin iyon." Sabat ni Ran.

"Siguradong isang den iyon ng mga hayop na CARDS na iyan!" Pagsisigaw ni Hero habang sinipa niya ang kariton sa kanyang gilid.

"Pero, Maki...?" Tinignan ako ni Anne.

*Rinnnggggg.... Rinnnnngggg....*

Kinapa ko ang aking bulsa at nilabas ang aking cellphone. New number.

Hindi kaya.... Si... Kaito???

"Hello?" Sinagot ko.

"Yoowwwhhhh!!! Hello there Maki!!" Sabi ng isang familiar na boses.

"Kris." Sinabi ko. Bakit parang medyo disappointed ang boses ko?

Pinagtinginan naman ako ng aking mga members. Kitang-kita sa mga mukha nila ang gulat.

"Paano mo nakuha yung number ko?" Tinanong ko siya.

"Eerrmmm... Well, I saw that your number is registered in the phone of Kaito, that's why I just got it. Hehehehe. Without his permission of course." Sagot ni Kris.

Bumilog ang aking mga mata. "Kinuha ni Kaito yung number ko?" Gulat kong tanong.

"That bastard." Nagsalita si Hero sa gilid. Buti nalang hindi siya sumigaw.

"Yeah. Hindi ko alam kung paano niya nakuha pero meron naman." Sabi ni Kris.

Hmmppp.. Siguro noong naiwan ko yung phone ko, kinuha na niya without me knowing. "Hayaan mo na." Sinabi ko na lamang. "Bakit ka napatawag, Kris?"

"You know Maki. I don't understand kung ano ang nangyari sainyong dalawa ni Kaito dahil ano man ang pangungulit ko sakanya ay ayaw niya akong sagutin at nagagalit lang siya saakin." Narinig ko ang pagbubuntong-hininga sa kabilang dako ng cellphone. "Pero gusto kong malaman mo na talagang gusto kong pumunta ka sa concert ko this Friday. Hindi ko alam kung pupunta rin siya pero sana hangat sa maaari, gusto kong pumunta ka."

"Me... Pumunta sa concert mo?" Naka-poker face ako.

Nagulat naman ako nang biglang may humablot ng phone ko.

"Sheyyyttt!!! Hinding-hindi pupunta si Leader sa concert mo!!! Tang-*na niyong mga CARDS!!! Sumugod nalang kayo ng walang abiso!! Muntikan nang mabari--- " Sigaw ng salarin na si Hero na siya palang kumuha ng cellphone ko.

Binatukan ko naman si Hero at inagaw ang aking cellphone sakanya.

"What was that??!!! Micro-phone ba ang ginagamit niyo diyan?" Tanong ni Kris sa kabilang linya.

"Ermm.. Forget about that." Sagot ko habang napansin nalang na pabirong binubugbog ng mga ka-member ko si Hero sa gilid.

"Well um yeah... I'm also a part of CARDS. But I guarantee you that the fight was instigated by Chard alone. Hindi namin alam iyon ni Kaito." Pagpapaliwanag niya. "In fact, Chard got a beating of it."

.

.

.

.

.

Ganon ba?

Parang nalilito na ako...

Kung ganon, hindi kagustuhan ni Kaito na magkaroon ng away sa dalawang gangs.

Baka...

Pumunta siya doon sa away para pigilan ang laban.

"How about the gun??!!" Tanong ko kay Kris.

Alam ba nila kung bakit nakakuha ng baril si Chard?

"What gun??!!" Tanong ni Kris saakin.

Napansin kong lumapit saakin si Ran at tinangad ang kanayang kamay. Tila gusto niyang kausapin si Kris.

Wala naman akong magawa kundi ibigay sakanya ang cellphone.

Kinuhan niya naman ito. "Hello. Si Ran ito. Sub-leader ako ng Streetz. Okay lang na pumunta ang Leader namin sa concert mo."

Nagtinginan kaming lahat.

Sisigaw na sana si Hero. "Anong sinasa---" Nang tinakpan ni Gin ang kanyang bibig.

"Pero magbibigay ako ng isang condition." Pagtutuloy ni Ran. "Kailangan kong sumama sa concert na iyon." Pagtatapos niya.

Ehhhhh????!!!!! Napanganga kaming lahat.

Okay sino na ba uli ang leader ng Streetz? Bakit parang si Ran ngayon ang pabigay-bigay pa ng kung ano-anong kondisyon?!

( ̄□ ̄;)

And Then...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon