Nakarating ako makalipas ng 10 minutes sa border namin. At hayun nakita kong nakahandusay ang mga iba kong member. Sugatan talaga sila. Mukhang mas lalo pa silang sugatan kaysa sa member ko kanina. Imbes na makaramdam ng pagod sa katatakbo, parang nag-init pa ang aking dugo nang makita ko na mga 30 kataong taga CARDS ang nakapalibot kina Hero at Gin. Yung dalawa kong Yin at Yang, mukhang pagod na pagod na rin. Malapit na silang bumigay.
"HOY!!! SH*TTY ASS*S!!!" Sigaw ko sa mga taong iyon.
"Get your sorry ass*es here and I'll kick them for you!! F*cking bastards!!"
"Lea--der..." Sabay na naghihingalong sabi nila Hero at Gin.
"Wow!!! I didn't know that the Streetz sends some pretty girls to fight for them!! Nakakahiya!!" Sabi ng isa sa mga taga-CARDS. At nagtawanan sila.
"Tahimik!!" Biglang silang napa-tigil. "Huwag niyong i-smallin ang babaeng iyan. Siya yung tinatawag nilang Mighty Maki. Siya ang kanilang leader." Isang lalake ang lumitaw mula sa grupo.
"Chard." Bulong ko. Walang hiya ito. Siya pala ang pasimuno ng lahat. Asan kaya yung leader nilang dati? Hindi padalos-dalos ng ganito ang CARDS simula't sa una.
"Yup!! That's me!! Missed me baby?" Pabiro niya pang sagot. Akala mo kung kagwapuhan eh mukha namang unggoy! Paksyete!!
"Bakit asan na yun dati niyong leader? Ikaw na ba ang bago nilang leader? Kawawa naman sila, sumusunod sila sa kagaya mo lang na mukhang tionggo!!"
Nag-iba yung mukha ni Chard. "Wala, nag-transfer ng ibang school ang dati naming leader. At may bago kaming leader ngayun, pero hindi siya kasing hina mo!! Hahahahahaha!! Go home ang suck to your mother's n*pples!!"
"We'll see about that."
Sumugod ako sakanila. Wala akong pake-alam kahit gaano sila karami. Hindi maganda ang ginawa nila. At alam kong hindi kailan man magsisimula ng away ang mga ka-member ko dahil laging defensive stance lang kami.
Alam kong pagod na pagod ako. Kahapon pa. Mukhang may lagnat nga ata ako gaya ng sabi kanina ni Anne...
Hindi...
kaya ko ito.
Para sa mga members ko ito. Para sa mga Streetz ito!!
Sa mga panahong ganito, nagpapasalamat talaga ako sa Spartan na training na binigay saakin ng aking dalawang kuya noon bata pa ako. Natuto akong lumaban, sumuntok, sumipa at umilag. Sa iba't-ibang mga Martial arts na natutunan ko, parang natural nalang sa paghinga ang aking mga galaw ko. Alam ko rin ang kahinaan ko, yun ay ang lakas sa offense kaya bumabawi ako sa bilis sa sa malalaking movements para madagdagan ang lakas ko.
Ilan na ang napatumba ko, 5... 7... 10... 15... 20... 23... Hindi ko na alam. Punong-puno ako ng galit. Ang mga members ko, itinuturing ko na rin silang kapamilya kaya kung may nananakit sakanila eh talagang doble, ay hindi, lima ang ibibigay ko pabalik.
"Uy!! Panti!!" Biglang sigaw ng isang taga CARDS.
Ngumiti lang ako at sinipa siya. Direct to the skull. Hah!! May narinig pa ata akong nag-crack. Serves you right.
"Nga pala. Walang epek ang mga ganyan niyo. Lagi akong naka-cycling shorts. Losseeerrrsss!!!" Sabay belat ko sakanila.
Pumula ang mga mukha ng mga natira. Sige pa laban lang. Suntok and sipa diyan. Nakakatawa lang kasi kahit isa sa kanila eh hindi pa ako napupuruhan. Talagang mabilis lang siguro ako.
Mula sa aking peripheral vision, nakita ko naman si Hero at Gin na mukhang bumabalik na ang kanilang morale sa pakikipaglaban. Buti naman... Sila lang naman ata ang Yin at Yang ko. Hindi magpapatalo ang dalawang iyan.
Tatlo nalang ang natitira. Pawis ang aking buong katawan. Masasabi ko sigurong magandang exercise ang nangyari ngayong araw?
"Woww!!! Biro mo yun?? Kanina eh parang mga trenta kayo hah. Ngayun, hmmm... tatlo nalang kayo? How pitiful." Sabi ko. Isa si Chard sa mga natira. Yung mukha niya, ang sarap ipinta. Hindi maintindihan. Parang natataeng unggoy.
Si Hero at Gin naman ay nasa likuran ko. Pagod ang istura nila pero mukhang kaya pa naman nilang tumayo. Ang mga iba ko ring ka-miyembro ay unti-unting tumatayo kahit sugat na sugat sila. Good boys!! Sabi ko sa sarili ko.
"Come!!" Sigaw ko sa natirang tatlong taga-CARDS. Tinaas ko ang aking hintuturo at parang naghahamong lumapit sila saakin.
Aminadong-aminado na ang kalaban. Bigla namang nagsisigaw si Chard.
"B*tccchhhh!!!"
Sa laking gulat ko, may inilabas siya galing sa wasteline sa likod niya. No way... A gun?
At dahil parang nawalan na sa bait si Chard. Bigla siyang nagpaputok.
**BAAAANGGG!!!!**
BINABASA MO ANG
And Then...
Romance"The credit is not mine alone sir... Kaito.... He also opened my heart... He gave a new chance to love." - Maki Yidala, 17, Streetz gang leader, Kuroko no Basket fanatic 17 year old Maki Yidala is at the peak of her life. Being a gangster leader b...