Feels (Madrama 'to) HAHAHA

172 2 0
                                    

Ako si Joshua. Ito ang relasyon ko. Meron akong isang babaeng mahal na mahal, baby ko siya, baby nya ko, so kami.. pero hindi kami. Gulo no? Siguro kung sa Facebook, pasok to sa "It's complicated". Pero ginagawa namin simple, ako ginagawa ko tong simple, pinipilit ko tong maging simple. Pero eto lang yung pinipilit ko, gawin tong simple. Pero hindi ko pinipilit, hindi ko sinusubukan, hindi ko binubuhat yung relasyon para gumana, basta.. ginagawa ko yung nararamdaman ko. Gaya pag nagsusulat ako, nagsusulat ako pag masaya ko, kaya kadalasan hindi natatapos, hindi naman kasi ako laging masaya, minsan nasasaktan talaga ko, sa mga nakikita ko, kadalasan sa putang inang twitter nya hahaha, sabi kasi ng kaibigan ko.. "Stalk stalk din pag may time! Kasi yang twitter diary ng babae yan" minsan nasasaktan talaga ko sa mga nakikita ko, sa mga nababasa ko, pero lagi akong ginaganahan mahalin pa siya kapag nakikita ko yung mga yun.. mas lalo kong gustong iparamdam sakanya na mahal na mahal ko siya at siya lang at siya lang at siya lang. Lagi namang masaya eh, sobra seryoso. Pero minsan siguro may mga tanong, tanong na ayaw mong sagutin, mga tanong na ayaw mong marinig yung sagot. Minsan tinatanong mo, mahal pa ba nya ko? Mahal ko pa ba sya? Lagi kong tinatanong yan sa sarili ko, actually minsan lang, pag feel ko. Pero laging walang sagot, hindi ko kasi kagad nasasagot yun, o minsan may sagot pero ayaw ko lang sagutin, kinabukasan ko siya nasasagot, kasi bawat umaga pag gising ko may makikita ka "Goodmorning baby" at yun nga yung sagot, oo mahal pa nya ko at oo, mahal na mahal ko pa siya. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya, hindi naman nagbabago eh, siya din siguro. Sabi nya hangga't kaya ko kaya nya, sabi ko naman eh kung hanggang kaya mo kaya ko, edi walang katapusan? Infinity nga eh. Walang katapusan. Walang hanggan. Parang yung pagmamahal ko sakanya, hindi natatapos, uy seryoso ko jan hahaha. Siya lang kasi yung babaeng pinangakuan ko ng maraming bagay, isa na yun sinabi ko.. "Oy! Papakasalan kita ah?" seryoso ko dun, sobrang seryoso ko dun, kahit puro kamalasan abutin ko mangyari lang yun.. ayos na ayos lang. Kasi ayokong mawala siya eh, wala nang break-up.. yung pag kasal, kahit sobrang hirap na dapat kakayanin mo pa rin. Ngayon kasi minsan hindi ko kaya, minsan ayoko na, pero hindi ibig sabihin nun hindi ko na siya mahal, kahit kailan hindi ako tumigil mahalin siya, nababawasan lang minsan, at hindi ako sanay na nababawasan kasi kadalasang nadadagdagan nang nadadagdagan yung pagmamahal ko, kaya pag nababawasan, feeling ko binagsakan ako ng langit at lupa.. sinasabi ko na ayaw ko na, pero pag magisa ka na lang sa kwarto mo, pag inisip mo na mawawala siya, na anong mangyayari pag wala na, magugulat ka maluluha ka. Hindi mo pala kasi kaya, kasi ganun na lang yung pagmamahal mo sakanya. Sino ba namang gustong mawalan ng mahal sa buhay diba? Buti sainyo mahal lang sa buhay, yung sakin kasi iba eh.. mahal na mahal na mahal na mahal sa buhay. Hindi ko siya kayang mawala eh, binigay ko kasi lahat, ayoko siyang mawala hindi dahil sa ayokong maubusan, hindi dahil natatakot akong walang matitira sakin kapag nawala siya, kasi siya na yung buhay ko, mamamatay ako pag nawala siya. Meron pa palang isa, gumawa kasi kami nang letter, speech daw para sa kasal, itatabi daw namin yun hanggang sa dumating yung kasal namin tapos tsaka na namin babasahin. Nasa wallet ko yun, yung isa kong wallet, bumili kasi ako ng bagong wallet, nasa bag ko na lang yung wallet na may letter. Minsan nalagay ko yung sa likod nang bag ko, sa may labas na bulsa, natakot ako. sobra, akala ko mawawala siya, akala ko mananakaw, kasi putang ina pag nawala yun iiyak ako. Nagtangka akong punitin yun, nung muntik na kaming maghiwalay, hinanap ko na eh, hinalungkat ko na lahat, hindi ko siya nakita, siguro nga ayaw talang ipapunit, kasi hindi pwede, kasi para talaga ata kami sa isat isa. Kung tinamad kayong basahin to at scrinoll down hanggang huli.. eto yung summary : Lalaki kahit anong mangyari mahal pa rin ang baby.. sobra pa daw.

Feels (Madrama 'to) HAHAHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon