Tahimik lang kami parehong naglakad ni paolo hanggang sa marating namin ang isang blue na bahay na may malaking gate. Pinindot nya ang doorbell non at maya maya ay pinagbuksan kami ng isang maid. Dumiretso kami sa garden nila at umupo sa tabi ng pool.
"dito ako lumaki ms.c"
"ohh ehh bakit nagtitiis ka sa ganung bahay?"
"wala lang, gusto ko ung simpleng buhay." Sabi nya at kita ko ang honesty sa mukha niya.
Saka kami ngtampisaw ng paa namin sa pool.
"anong problema kay topacio?"
"alam nya"
"na?"
"may relasyon tayo"
"paano? nagiingat naman tayo?"
"hindi ko rin alam, mahal mo ako diba?" tanong nya sa akin na puno ng takot. Hinawakan ko ung magkabilang pisngi nya.
"wala ako dito kung hindi, di kita hahalikan kung hindi kita mahal paolo, magkaiba lang tayo ng taon, pero hindi ibig sabhin non na di kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin."
niyakap nya ako.
"natatakot ako"
Dalawang salita lang yon pero tumagos sa buong pagkatao ko yon. Kasabay ng maraming tanong na pumasok sa isip ko.
saan siya natatakot?
na mawawala ako?
o baka naman para sa pagtuturo niya?
Nakaramdam ako ng sakit sa part ko dahil alam ko walang matinong lalaki ang ipagpapalit ang career nya para lang sa isang babae.
Ngumiti lang ako.
"alam ko baliw, pero andito lang ako" andito lang ako kaya kitang bitawan para sa ikatatahimik ng buhay mo.
Pakiramdam ko para akong kandilang nauupos na, alam kong ang relasyon namin ay parang isang magandang panaginip lang, kahit gaano kasarap manatili don, magigising pa rin kami sa realidad.
ayokong matapos to!!!
"basta ms.c, haharapin natin to ng magkasama, di tayo bibitaw diba?" Yumuko na lang ako at tumango...
2 am na ng kami umakyat sa kwarto niya, nagubos ng oras ng walang salita, yakap at titigan lang na para bang iyon na ang huling araw na magkikita kami, gusto kong may mangyari sa amin, para bigyan sya ng reassurance. Pero naisip ko na sa mga oras na yon kailangan ko ng aralin kung paano ko sya lalayuan alam ko sooner or later, puputok na ung balitang yon sa campus kailangan ko syang protektahan, kailangan nya yon, kesa sa mas kailangan nya ako.
Natulog kaming magkayakap, yung yakap na para bang malapit ng mamaalam masakit na kahit yakap ko sya alam ko isang araw di ko na magagawa pa yon.
Bumitaw ako sa yakap nya nung mahimbing na sya, tumalikod at saka umiyak.
Kasalanan ko to, kung di ako pumayag sa gusto niya di sya mahihirapan at di ako masasaktan. Ang sakit sakit ang dami kong pangarap kasama siya at alam kong ganon din sya sa akin, mahal na mahal ko si Paolo, kung paano nangyari yon, di ko na alam dahil siguro manyak sya? o dahil asshole siya? o dahil siguro sa katangian nyang sa akin nya lang ipinapakita. Ano ng mangyayari sa akin pag nawala sya? kaya ko ba? kailangan kong kayanin, mas marami pa akong pinagdaanang mas mahirap kesa dito kailangan kong kayanin para sa kanya.
Nakatulog ako sa sobrang pagiyak at nagising ako na hawak nya ang pisngi ko.
"ms. c?" mahinang sabi nya.
BINABASA MO ANG
CONFESSIONS OF THE PROFESSOR'S GIRLFRIEND BOOK 1 (COMPLETE)
RomanceNormal yung student ang magkagusto sa prof diba? What if yung crush mong prof ehh may crush din sayo? Papasok ka ba sa isang relasyong bawal? O lalayo ka na lang para sa ikakaunlad ng pilipinas. Yan ang problema ni MissC. Find out what she chose an...