March 20, 2013
Ang laki na sobra ng tiyan ko and honestly due date ko na. Around 5 pm nagsimula na akong maglabor, and girls i am telling you, sobrang hirap maglabor. Hours of piercing pain in your body. Andrew was there guiding every step i take, around 6 pm dinala na nya ako sa clinic. At dinextrose na ako at tinurukan ng pampahilab and the pain just got worst, around 10 pm naiiyak na ako sa sobrang sakit sa balakang pati na rin pag nagcocontract yung tiyan ko. Ayoko na, sana mamatay na lang kami sa panganganak, ayun ung naiisip ko. Para matapos na ang lahat. But still i endured all the pain i felt, 11:00 ng mag 9 cm na ako so pinapunta na ako sa delivery room, and the real nail biting scene happened. nahirapan akong ilabas siya. I don't know how, natatakot ako. Tinurukan ulit ako ng pampahilab and then i was a mess, alam mo yung manganganak na si bella sa breaking dawn?? i was close to that, nagwawala ako sa sobrang sakit. Kasi he's finding his way out and i don't know how. Tinawag nila si andrew and he held both my hands and he started counting 1-3 and i pushed my baby out the head, nung balikat na (sorry for the term huh) parang natae ako ng sobrang laki, then madali na nilang nailabas yung bata.
Nanganak ako nung march 21 2013, around 12-12:10 am... to a cute baby boy, payat nga lang siya non 4.5 pounds lang. Naiyak na lang ako pinalabas na si andrew at napako ang mata ko sa batang nililinisan ng midwife, habang tinatahi ako. Napansin ko ang isang gray na bagay sa tagiliran niya.
"balat po yan?" tanong ko
"yes, ang ganda" kagaya ng sa tatay nya.
And I combined names for him, The first word is from Paolo's real name, and the second word was the combination from my name and Andrew's real name. No middle name, kasi wala naman talaga syang tatay.
Months passed and ang bilis lumaki ni baboy, yung ipon ko ok pa naman, di pa naman sagad. Good thing highschool pa lang mahilig na ako magsave ng pera.
Pero kagaya ng lahat ng story, may conflict. Di lang simpleng conflict ang isang to, eto ung klase ng conflict na mapapamura ka na lang at gusto mo ipaduterte si andrew.
6 months na si baby ko nang mawalan ng trabaho si Andrew. And alam ko kailangan ko maglabas ng pera ako muna umako ng lahat, kuryente tubig bahay at pagkain. Little did i know, may lihim pala siya sa akin, addict pala siya. And i tried to stop him, hanggang sa gaya ng lahat ng adik pag di nakakagamit mainit ang ulo niya, nasampal niya ako one time pero wala akong magawa. Nagbago din siya hanggang sa matigok lahat ng ipon ko. And naputulan na kmi ng kuryente, kaya naman nakiusap ako na magtrabaho siya, but he refused. Bakit daw siya magttrabaho ehh di naman niya anak ung anak ko. Kaya naman sinabi ko sa kanya kung ayaw mo magtrabaho ako magttrabaho. So that is what i did, sa umaga hanggang tanghali nagtindera ako ng isda sa palengke, sa hapon naglalako ako ng banana-q, sa gabi waitress sa isang pares joint, tiniis ko yung maghapong pagod, puyat, yung pagaalala kung inaalagaan ba ng kapitbahay namin si baby ko, kung dumedede ba sya ng tama, kung hinahanap nya ba ako, walang ibang laman ang utak ko kundi yung anak ko. Nakaipon ulit ako patago nga lang. At secretly ko un hinuhulog sa bangko, hanggang sa isang araw. Nagising ako sa tapik ni Andrew.
"magbabago na ako, kunin mo yung naipon mo magsstart tayo ng sari-sari store mo"
Natuwa naman ako sa sinabi niya, kaya naman winidthraw ko 3/4 ng ipon ko, mga nasa 7k lang yon. Paguwi namin nagulat ako ng agawin ni Andrew yung pera at saka kami nilock sa bahay, naawa ako sa anak ko. Kasi inipon ko yon para sa kanya. Para sa bday nya, ang masaklap pa, walang pagkain sa bahay. Maghapon kaming gutom ng anak ko, binebreastfeed ko siya pero kahit ako wala ng maipasa sa kanya. Gabi na pero wala pa rin si Andrew, mapapatay ko siya. Mapapatay ko talaga siya.
Around 10:30 dumating sya at malamang sabog, pinatulog ko na si baby sa kwarto bago pa siya dumating.
"hayup ka!!! t*ng ina mo!! winaldas mo ung pinaghirapan ko!!!" saka ko sya pinagpapalo ng arnis na nakastock sa kusina pero mas malakas siya sa akin kaya agad nyang naagaw yon at ako ang pinagpapalo niya.
BINABASA MO ANG
CONFESSIONS OF THE PROFESSOR'S GIRLFRIEND BOOK 1 (COMPLETE)
RomanceNormal yung student ang magkagusto sa prof diba? What if yung crush mong prof ehh may crush din sayo? Papasok ka ba sa isang relasyong bawal? O lalayo ka na lang para sa ikakaunlad ng pilipinas. Yan ang problema ni MissC. Find out what she chose an...