10

5K 59 0
                                    

Sabi nga nila, kapag sobrang saya mo. Kasunod non ang sobrang kalungkutan.

--super fast forward--

2nd year na ako at enrollment na, nakapila ako sa library para ipavalidate yung library card ko. Bigla akong nahilo, pero di ko ininda, akala ko simpleng headache lang. Nagstart na rin ako mag gain ng weight, ang akala ko dala maraming kinain nung bakasyon kaya hinayaan ko na rin, hanggang sa iang araw. Tinanong ako ni paolo.

"kailan period mo?"

"ireg ako paiba iba ehh minsan meron minsan wala, bakit?"

"ilang months ka ng di nagkakaroon?"

"ano ba yang tanungan mo badtrip!!" saka ako nagwalk out, yun lang naman tanong nya pero naiiyak ako, ano bang mali sa katawan ko? Ang sensitive ko masyado this past few days.

It was a perfect wednesday, lunch break ng biglang lumapit si Topacio sa akin.

"be ready, coz the storm is coming"

"ano namang ibig sabihin non gurl?" tanong ni Alvin sa akin

"ewan ko dun" pero sigurado ako na di maganda yon.

Gaya nga ng inaasahan di nga maganda yon, nasa bahay na kami ni paolo ng bigla nya akong hilahin paupo sa sofa, yumakap sa akin ng mahigpit. 

"we have a problem"

parang alam ko na yon ehh expected ko na... kanina pa kasi sya balisa..

"ano un?"

"topacio, code red" king ina ayaw pa ako diretsahin

"ano ngang meron sa kanya"

"may picture siya, ako at ikaw nagkikiss, kung paano di ko alam ang alam ko lang problema to."

"uuwi na muna ako sa amin, sigurado sasabog yan sa campus"

"sigurado ka ba?" kailangan kong protektahan yang image mo sa campus. Di pwede masayang lahat ng paghihirap mo ng  dahil sa akin.

"oo, mag laylo na rin tayo sa campus lilipat na akong school next year." Huminga na lang sya ng malalim at saka um-oo

Kinabukasan kagaya ng inaasahan kumalat na nga sa education department yung picture na yon, mabuti nga at wala pang prof na nakakaalam, pero malapit na yon. Sigurado.

"ms c? totoo ba? magkarelasyon kayo ni sir paolo?"

"yes" tanong ng mga classmate ko... at sa twing lalabas ako pinagbubulungan ako ng mga kapwa ko students and at that moment i knew, i am screwed.

Bagpunta ako sa office ni paolo pero pinaalis din nya ako agad, nagdecide akong umuwi sa pasig at kinuha ko mga gamit ko sa bahay niya at umuwi ako sa amin. Pagdating ko sa bahay, nagaaway ang mama at papa ko at bigla na lang akong naduwal pagkakain ko ng ginataang langka, and i knew mula sa pagkahilo, mood swings, pagsuka, BUNTIS ako Kaya  bumalik ako sa pasig, hawak ko ang pregnancy test na may 2 strip, hinintay ko makauwi si paolo, para ibalita ng goodnews. Pero di ko na nagawa halata namang exhausted siya sa school nagluto ako ng hapunan at tahimik kaming kumain, gusto kong sabihin na mahal ko siya, na andito lang ako para sa kanya, pero kasi baka baliktad na iniisip nya, na sana di ko na siya mahal at sana di na lang ako dumating sa buhay nya na baka pinagsisisihan na niyang minahal nya ako.

Tumayo ako agad at dumiretso sa kwarto, maya maya naramdaman ko ang paghiga nya sa kama pero ni hawak wala siyang ginawa, tama nga ako, nagsisisi na sya.

Kinabukasan, sinabi ko sa kanya na di ako papasok at ang sakit lang ok lang ang sagot niya.

Nang makaalis na siya, nagsimula na akong iimpake lahat ng gamit ko at iniwan ang sulat sa mesa sa sala niya.

CONFESSIONS OF THE PROFESSOR'S GIRLFRIEND BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon