Chapter 2 ✔

1.2K 30 0
                                    

Chapter 2

Maaga ako pumasok ngayon. Maaga din kasi ako nagising kaya nahirapan na ako matulog. Ganon kasi ako. Ganon naman talaga yun diba? Mahirap na maibalik ang nasirang tulog.

So right now, halos lilima palang kami dito sa room. I felt bored so lumabas muna ako para maglibot-libot.

Habang naglalakad, natuon yung pansin ko sa bracelet ng babaeng dumaan.

Her bracelet looks like what my dad gave to me when I was 9 years old.

Yeah. I still remember it at nakatago parin yun sa akin. Araw-araw ko iyon dala at heto't suot suot ko padin siya ngayon.

Nakakapagtaka na may kapareho pala iyon. Ang sabi sakin ni Daddy, self-made niya lang tong-----

"Araaay! Argh! Fvck!" May nakabunggo sakin na lalaki na matangkad kaya napadapa ako sa sahig. Ang lakas ng impact at hindi maganda ang pagkakadapa ko dahil tumama ang siko ko sa sahig na naging dahilan para magkasugat ako.

"Ay shit. Sorry miss!" Naramdaman ko na lumuhod siya sa harapan ko para tulungan ako tumayo. Nang naramdaman ko ang hawak niya sakin, I looked at him.

God. He's really ughh hot?

Oh geez. I know what you're thinking! And you're probably wrong! Yes, I admit, he's really handsome. But What I mean is, he's hot! Mainit siya!

I just glared at him. 

"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh." Kung babasahin mo ang expression niya, parang he's trying to calm down himself. Parang galit siya na ewan pero pinipigilan niya. I don't know pero I could feel it. Habang inaalalayan niya ako tumayo nagsalita ako...

"Are you okay?" Nagtaka naman siya sa tanong ko.

"What? Bakit mo natanong? I think I should be the one who's asking you that? Right?" Nakakunot na noo niyang tanong

"May masakit ba sa'yo?" This time, nanlaki na ang mata niya sa tanong ko at tinaasan ako ng kilay. Kahit ako hindi ko alam kung saang lupalop ko napulot yung tanong na yun. Basta one thing I know for sure is, parang may mali sakanya.

Tinitigan niya yung mukha ko na parang sinuri ito. Nailang ako bigla. Ano bang problema ng lalaking ito? Ilang segundo din kaming ganoon hanggang sa--- "Hahahahaha! Ano bang sinasabi mo miss!? Sa pagkakaalam ko, siko mo yung tumama diba? Hindi naman yang ulo mo? Ano bang pinagsasasabi mo? Hahaha! Tara na nga! Ano ba? Dadalhin na ba kita sa clinic? Tara! Uy pasensya na talaga ha? May tinatakbuhan lang kasi ako."

Nagulat naman ako sa nireact niya. Siraulo ba to? Noong una akala mo may pagkaseryoso na manly na ewan. Tapos biglang magiging hyper? tss. Di bagay sa itsura niya. Ang laking tao pa naman niya.

"Mainit ka kasi. I just thought you're sick. Like I hella care? Psh nevermind. I'm being weird again. uhmm..Hindi na. Galos lang to. I'll go now. Kailangan ko na din bumalik ng classroom." Tinalikuran ko na siya. Aalis na dapat ako pero pinigilan niya ko.

"Are you sure? No! Samahan na kita! Nasugatan kita o." Kaagad kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"Pwede wag kang makulit? I said okay lang ako. Kung ayaw mong madamay pa, huwag ka na ulit lalapit sakin. Baguhan ka dito no? Kaya di mo pa ko kilala. Tss."

"Ha? What do you m....oy sandali!" Tinakbuhan ko na siya. Naramdaman ko kasi na madami ng matang nakatingin samin. Ano to? May shooying ba? Psh. Kaya ayoko ding napapalapit sa kahit na sino dito eh. Nadadamay pa sakin. Basta pag nalaman nilang close mo ako, ka-aayawan ka na din ng lahat.

Bumalik na ako sa classroom. But my jaw dropped of what I saw.

"GOODMORNING CHIARA!" Sabay nilang bati sakin at niyakap ako ng mahigpit.

A Stone Upon His Heart [Ongoing] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon