Chapter 5
Nandito ako ngayon sa classroom. Nagsa-soundtrip. Ang boring naman kasi eh. Wala yung dalawang teacher namin. So dalawang oras ang vacant. Binabayaran sila ng ayos dito pero tatamad tamad sila tsk.
Kung tatanungin niyo kung anong ginagawa nila...
Si Lynn at Leigh, kadaldalan sila Ian, Travis at Rick. Oo. Close na din yung mga yan. Pano?
Nung nagmall kasi kami, si Travis at Ian ang sumundo sakin sa bahay. Pagpunta namin sa mall, huta parang mas pipiliin ko pa atang kulitin at guluhin buong araw ng Travis na to kesa sa makasama sila sa mall.
Yung isa, mukhang shunga sa toy kingdom at takbo dito, takbo doon. Hinahatak pa kami kung saan saan basta may makita lang siyang plushie o kahit ano mang stuff toys doon magseselfie siya. Yung isa naman, walangpakialamsapaligid. Nilalandi niya lang yung mga staffs tsaka bawat madaanan niya. Pacute dito, pa-cute doon.
At ang mas matindi, naka-witness pa ako ng harapang pagb-break nila ng pang-apat sa present girlfriend niya. Oo! Pangapat. Nasa lima na daw kasi yung present girlfriend niya ngayon at napapagod na daw siya kasi pinipilit nung babae na siya daw yung ama ng baby nito. Kaya nakipagbreak siya, kasi kahit daw malandi siya, wala pa daw siyang nagagalaw na kahit na isa sa mga naging babae niya.
In-short "virgin" pa "daw" siya. Wala daw sa isip pa niya yung mga "ganong" bagay.
Kaya ang kapal naman daw ng pagmumukha ng babaeng yun. Malay daw ba niya kung nalaspag na yun ng ilang lalaki. Sabi niya.
Masyado akong nabaliw sakanila kaya tinawagan ko sila Lynn at Leigh para sumama para kahit papaano, may matino akong makasama.
.
PERO ISANG MALAKING PAGKAKAMALI NA SINAMA KO PA SILA.
Lintek. Parang may kasama akong mga takas sa mental. Pag pinagsama mo pala tong mga to, SABOG NA!
Shete. Alam niyo kung anong pinaggagawa nila?
Ayun. Nangangalabit ng mga taong di nila kilala. Tapos nadamay pa ako. Ako yung pinagbibintangan. Kaya nakikitakbo rin ako sakanila.
Bumili din sila ng ice cream sa dairy queen. Tumalikod lang ako saglit para umorder din ng akin pagkalingon ko nagpapahiran na sila sa mukha! Tapos sinama pa ako. Ang baho baho ko tuloy. Dahil nakakainis sila, gumanti ako. Tinapon ko yung ice cream ko sila. Pero mas malala pa pala yung nangyari.
Bumili sila ng madaming ice cream kaya Nagsabuyan kami ng ice cream doon. Pinagtitinginan na kami. Leche talaga. Bakit kasi sumabay pa ako sa ka-abnormalan ng mga taong yun e! May mga tao tuloy na nadamay pa sa kababuyan nila. Dahil dun, may nagsumbong yata samin sa guard kaya hinabol kami. Hanggang sa anim na guard na ang humahabol sa amin. Buti nalang mabibilis kami tumakbo. Kaya nakarating kami agad sa plaza na medyo malayo layo na din sa mall. Tss. Syempre hindi naman na siguro kami hahabulin non hanggang sa plaza.
Hingal na hingal kaming nakarating doon. Umupo muna kami sa isa sa mga bench doon para magpahinga na kaunti. Ang baho baho ko dahil sa ice cream na yan!
KASO!
Alam niyo naman tong mga abnormal na to! Hindi mapirmi sa tabi kaya naghabulan doon sa plaza. At hinatak pa ako. Nagulat nalang ako ng papunta sila sa fountain (habang hatak hatak pa ako. Nagpupumiglas ako kaso nagtulungan silang apat para di ako makawala. O diba? Unfair yun! Dalawang lalaki tapos dalawang malalakas na babae. Anong laban ko dun? -____-
Habang papalapit kami sa fountain, Alam ko na agad yung gagawin nila. At hindi nga ako nagkamali.
Mukha kaming mga siraulo noon. Letche! Maligo daw ba sa fountain!? Argh! Bat kaya di nalang sila umuwi para maligo dahil sa kababuyan nila at bakit kailangan sa fountain pa maligo!? Jusko. Mga baboy talaga.
BINABASA MO ANG
A Stone Upon His Heart [Ongoing] [Revising]
Misterio / SuspensoThey accused Chiara Briee Sumpter for killing his own father. Then she met a mysterious cold gangster Darren Andrew Wong together with his weirdos childish gangster friends. What do you think will happen if their paths cross off? Would it give a bet...