Chapter 3 ✔

1.2K 27 1
                                    

Chapter 3

Dahil sa sobrang sigawan at nakatutok ang lahat sa kung ano mang meron sa loob ng classroom, hindi nila napansin ang presensya ko.

Nakakaimbyerna sa mata kung gano kalandi tong mga babaeng to sa nakikita kong sobrang pagkakilig nila. Halos mabunggo na din ako ng ilang babae at natapakan nadin yung bagong bili kong rubber shoes. What the hell!?

"Move." I said in a low tone voice and with an authority.

One word, four letters, in a sudden blink of an eye, biglang tumahimik at nagsihintuan ang lahat sa pagsigaw at paggalaw. Kagad silang tumabi sa dadaanan ko.

I smirked. That's how great my impact is to everyone here.

Walang expression ko silang tinignan lahat.

I crossed my arms. "Ang ayoko sa lahat, yung ginagawa niyong palengke tong labas ng classroom. Hindi lang dahil sa maingay kayo. Kundi nagkalat din kayong mga hipon, tempura, mukhang isda, goldfish at kung ano ano pang lamang dagat yan. Lumalansa tong paligid eh. Kaya pwede ba? Magsi-alis nga kayo. Nahiya naman yung higad sa sobrang kakati niyo." malamig ko silang tinignan at tinalikuran na sila.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko, nagbulungan na kagad silang lahat. Hindi ko nalang pinansin dahil ayoko namang pagsayangan pa sila ng oras.

Pagpasok namin nila Leigh at Lynn sa classroom, my eyes almost widened habang yung dalawa, napanganga talaga.

Bumungad lang naman samin ang...

10 hot looking gorgeous men.

Napahawak sa braso ko tong dalawa.

"Shit Lynn tamang tama lang ata yung pagtransfer natin dito." Bulong niya.

Okay. They're not bad. I'll admit. They're really handsome and tall. May maibubuga naman talaga sila. I'm a type of girl na choosy pagdating sa pagcomment kung gwapo ba ang isang lalaki o hindi. Kaya kung sinabi kong gwapo sila, para sa ibang babae, super duper ubod sagad wagas na yung kagwapuhan nila.

"Chiara. Look at the guy in the front with blonde hair. He looks really hooot right!?" Sabi ni Lynn

Nako. Dito magaling tong dalawang to eh.

I looked at the guy with blonde hair.

"Maraming blonde sakanila."

"-__- Kashunga naman nito. Yung nasa harap nga!" -Lynn

Tumingin ako sa kung sino yung nasa harap na yun.

Pagtingin ko sakanya, sakto naman napaharap siya sa gawi ko.

And our eyes met.

We stared at each other for like seconds. Ano bang problema nito? Parang nakikipaglabanan siya ng titig sakin.

But what caught my attention the most, made me shocked and made me nervous, is the guy behind him.

"Oh see. Lynn, look at Chibi. Mukhang type niya yung guy oh. Chiara pakisara naman yang bibig mo baka pasukan ng langaw eh." -Leigh

Lynn and Leigh just laughed really hard. I gave them my deathly stare that made them shut up.

"Sabi ko nga tatahimik na ako." -Leigh

"Siya yun." Saad ko

"What?" -Lynn, Leigh

"Yung lalaki sa likod ng blonde guy na yun."

"Oh eh anong mer---"

"Woah woah! You're here! Hindi ko alam na kaklase pala kita haha! Kamusta na ba sugat mo? Dinala mo na ba sa clinic?"

A Stone Upon His Heart [Ongoing] [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon