Chapter 10.2
Pagkatapos kong iwanan ang lalaking yun, bigla nalang akong nakareceive ng isang message.
*1 message from 09191234567*
(Watch your back. Someone's watching you. "Keep your friends closer and your enemies closer". Come think of it.)
Napakunot naman ang noo ko sa nagtext. And who the hell is this? Tss. Mga nantitrip nanaman.
(Aren't you that someone who keeps on watching me? You're probably my stalker.) I replied.
After few minutes, kaagad din naman siyang nagreply.
(Do I look like a stalker to you? That's funny. You're still funny. You haven't change Chiara. We used to be friends right?)
Dahil sa huling sentence niya, kaagad akong kinutuban. Gosh.
Kilala niya ako. At alam niya number ko. Walang ibang nakakaalam ng number ko bukod kela Lynn, Leigh at Matt at sa ibang close ko na members ng EMSociety.
Teka Sino ba to?! Have we met before?
Nag-isip isip muna ako bago replyan ang text niya. Bakit ba hindi ako mapakali?
"Nope. You're wrong. I've changed a lot. Whoever you are, I'm not the old Chiara you used to know. Stop texting me. I won't give you any single reply anymore." Kaagad kong sinend iyon.
Pabalik balik na ang lakad ko. Wala namang nakakakita saakin. Sobrang naiinip na ako sa reply niya. Hindi ba siya magrereply?!
(Why are you anxious? You keep on walking back and forth. What's bothering you? Too excited for my reply? I knew it. You still like me.)
Keep on walking back and forth? So does it mean, nandito lang ang sender sa school na to?!
And he's actually watching me right now!
I composed myself. Dahil sa pinapanood niya ako, I need to calm down. Kunwari wala akong pakialam sa text niya. Itinago ko na yung phone ko sa bulsa ko.
Pero hindi padin ako pinapatahimik ng 'you still like me'. Sa pagkakaalam ko, wala akong nagustuhang iba noon. Except sa isang tao. Pero kilala ko siya. He won't send me messages such as this.
Naramdaman ko namang nagvibrate ulit ang phone ko. Galing nanaman sakanya.
(There's nothing permanent in this world. Except change. I learned it from you.)
What the fuck?!
Umalis na ako sa lugar na yun. Ang ayoko sa lahat, yung pinagmamasdan ako! I'll find whoever you are. Makikilala din kita.
Nag-iikot ikot ako ngayon sa Secret Garden. Kailangan ko ng hangin para marefresh utak ko. My brain isn't working right now because of his messages.
Is it possible na siya nga ba talaga yun? Kanina pa sumasagi sa utak ko na siya talaga yun. Ayaw lang tanggapin ng sistema ko. Hindi ako handang makaharap siya. Pero gusto ko na din siyang makita.
At ano bang ibig niyang sabihin sa 'keep your friends closer and your enemies closer'? Sinasabi niya bang hindi ko dapat pagkatiwalaan si Leigh at Lynn? Aish! No. Kilala ko sila. Hindi nila magagawa yun sakin.
Although it's kinda possible....
Pero hindi padin talaga.
Hmmm...di kaya ang ibig niyang sabihin ay yung mga taong napapalapit sakin?
At sino ba ang mga yun? The ten pests right? So sinasabi ba nitong sender na hindi ko sila dapat pagkatiwalaan?
Napaisip ako. He's right. It's possible na may hindi magandang balak tong mga to. Like Hans. Parang kilala niya na ako. They're all weird. Ang dali lang para sakanila na pasukin ang buhay ko. Planado ba tong lahat?
BINABASA MO ANG
A Stone Upon His Heart [Ongoing] [Revising]
Mistério / SuspenseThey accused Chiara Briee Sumpter for killing his own father. Then she met a mysterious cold gangster Darren Andrew Wong together with his weirdos childish gangster friends. What do you think will happen if their paths cross off? Would it give a bet...