Chapter 19
Rick's POV
Ahhhhh! Leche! Mababaliw na ako sa mga kaganapan ngayon!
Una, si Ian at Leigh. At heto si Ian ngayon, nagaalburoto nanaman! Kung nakakamatay lang ang titig malamang kanina pa nasa hukay yang lalaking kasama ngayon ni Leigh.
OO! May kasamang lalaki si Leigh! Mga manliligaw niya. Pano pagkauwing-pagkauwi namin galing sa amusement park, kagad nag post si Leigh sa facebook. Ang sabi niya...
"Hello guys. I just want to inform all of you that from now on, I'm accepting suitors. I think it's just alright what do you think? sige Goodnight na everyone! :* this day is so tiring."
AT AYUN NA NGA! Dagsa ang likes at comments ng mga jejemon diyan sa kanto at tabi tabi. Tangna. Di ko na binasa comments. Singkit na nga mata ko lalo pang naningkit sa sobrang hirap basahin.
Nagtaka namin kami sa post ni Leigh. Lalo na yang si Ian. Muntik na mahati sa gitna yung laptop ko dahil sa sobrang pagka-asar niya. Tinanong naman namin kay Leigh kung ano yung post niya, ang sabi niya para fair daw sa lahat.
Fair sa lahat? ~.~
Edi ayun! Andaming pumila at nagpapadala kada oras ng mga bulaklak at chocolates kay Leigh. Ang mga kumakain lang naman, ay sila Chiara at Lynn. Ayaw pa kaming bigyan -__- damot.
Hindi naman talaga malabong maraming manligaw kay Leigh. Aba! Chikababes kaya yang si Leigh! Ang Ganda ng kutis, maputi, sexy naman kahit mejo ano...alam mo na...hmm...f-flat?...hehe....you know. Tsaka napakaangelic ng mukha! Maamo. Magaling magdala ng damit. Package na! Aba siguro kung di lang to gusto ni Ian malamang-----
"ARAAYY! POTA! IAN ANO BA!?"
"Hoy gago! Bakit mo tinititigan si Leigh ha? Huwag mong sabihing isa ka din sa mga pipilang manliligaw diyan!? Puta. Subukan mo lang. Babaliin ko lahat ng collections mo ng lapis sa kwarto mo."
"Anong liligawan!? Ba't ko liligawan yan! Tsaka HOY TANGA! Hindi lapis yon! EYELINER YON BOBO! At huwag na huwag mong pakikielamanan yon kung ayaw mong yang ANO mo yang baliin ko! Nang hindi ka na makalandi!"
"Anong tong ANO ko yung babaliin mo? Excuse me lang hoy, hindi naman yun yung ginagamit ko panlandi. May sarili akong appeal okay? Palibhasa ikaw sa eyeliner ka lang magaling eh."
"Aba talagang...!"
Hoy! Huwag niyong isiping bading ako! Oo nag-eeyeliner ako dahil yung mata ko, MASYADONG SINGKIT! At ayoko ng ganun! Tsaka pampalakas ng dating kapag may eyeliner. Mas nakakapogi. Mukhang maangas at malakas ang dating.
KAYA IKAW! SUBUKAN MO LANG SABIHAN AKONG BADING! PUCHA HAHALIKAN KITA KUNG SINO KA MAN!!
(A/N: Picture of Rick with eyeliner on the right side :D ------------>)
"Tss. Rick. Yung boses mo pakihinaan nga. Sumisigaw ka nanaman eh. Parang babae kung umirit. Tsaka huwag ka na nga mag-maangmaangan Ian. Nahuli kitang ginagamit yung mga eyeliner ni Rick noong isang araw. Naiwan mong bukas pintuan ng kwarto mo kaya nahuli kita sa tapat ng salamin. At ikaw Rick pagpasensyahan mo na yang si Ian. Medyo mapait ang pinagdadaanan sa buhay." -Matt
"Ew. Gay." -Kirk
"Parang ikaw di ka gumagamit ng eyeliner ah! Ungas!" -Ian
"Atleast tuwing may performance lang tayo. Di tulad niyong ina-araw araw." -Matt
"Truth hurts bro." Sabi ko.
"Puta ang babading ng mga pinag-uusapan niyo. Ano yan? Usapang makeup? Manahimik nga kayo." -Hans
BINABASA MO ANG
A Stone Upon His Heart [Ongoing] [Revising]
Misterio / SuspensoThey accused Chiara Briee Sumpter for killing his own father. Then she met a mysterious cold gangster Darren Andrew Wong together with his weirdos childish gangster friends. What do you think will happen if their paths cross off? Would it give a bet...