"Hoy Alien!"

60 0 0
                                    

[A/N: Sana mag-enjoy kayo sa panibago kong story Hahaha  :) ]

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Clarence's P.O.V. ]

-Uwian-

Nasa Kalsada naglalakad pa-uwi. Poor lang eh! sorry naman.

Hay Naku~ 

Ang daming school works na dapat tapusin. ANG DAMING PROBLEMA!!!!

Buti na lang kasama ko ngayon si Keira, ang aking childhood crush este friend (ex-bestfriend). Oo, dati bestfriend ko siya kaso sabi niya BF.O (Bestfriendship OVER [bagong term]) na daw kami. BF.O  yun yung sabi niya nun eh. 

~Flashback~

[2 years ago // Second year Highschool]

"Lalalalala~" kanta ni Keira habang naglalakad sa likod ng bahay namin. 

"Keira!" sigaw ko sa kanya. Tinatawag na kasi kami ni Tita Anna, mommy ni Keira.

"Keira! uy uy uy!"

"Lalalalala~"

"Kei Kei! tawag na tayo ng Mommy mo!" sigaw ko ulit sa kanya.

"Lalalalala~"

Nang-aasar ba siya? O sadyang bingi lang?

"HOY ALIEN NA BINGI NA KANTA NG KANTA NG LALALALALA NA GALING SA PLANET EWAN EWAN NA NAKA-PIG TAILS AT TUMATAKBO SA BAKURAN NAMIN!!!"

Bigla siyang nag-stop at tumingin sa akin.

"ANONG SABI MO?!?!?!?" galit na galit na sabi niya. Pulang-pula na yung mukha niya sa galit at parang may lalabas ng usok sa tenga niya.

"Sabi ko........... 'HOY ALIE-'"

*boogsh*

"BF.O NA TAYO!" sigaw niya habang hini-himas himas ko yung suntok niya sa pisngi ko.

Ang sakit nun ah! Parang hindi babaeng kung manuntok.

And that's why I Like her.

Tumakbo na siya papalayo at narinig ko siyang nagsumbong sa mommy niya.

"MAMA!!!!!!!!!! SI CLARENCE TINAWAG AKONG ALIEN!!!!"

~End of Flashback~

At ngayon, kahit Friends na lang kami ni Keira, masaya pa din ako kasi ako pa din ang lagi niyang nilalapitan kapag may problema siya. Kaso nga lang, tinatak niya talaga sa isip niya na hindi na kami mag-bestfriends kaya ang turingan lang namin ay Friends. Hindi na daw kami babalik sa bestfriends.

Ouch! 

Ang sakit nun noh! 

Lalo na kung gusto mo yung taong iyon.

"Uy Clarence!"  pag-siko sa akin ni Keira "Lalim ata ng iniisip mo ha!" 

"Lalim mo kasi eh!"  bigla kong sagot.

"Ano?" tanong niya.

"SABI KO, ANG LALIM NG DAGAT!"

"Kaya nga ang sarap kang lunurin dun eh."  sabay akbay sa akin ni Keira.

Oo, si Keira. Inakbayan ako. Para nga lang kaming mag-kumpare eh. Boyish kasi yung babaeng iyon. Siguro kasi dahil sa 3 niyang Kuya, tapos siya lang ang nag-iisang babae. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Hoy Alien!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon