Highschool Blues

24 1 0
                                    

Written by: MAI ESTEBAN

Isang matinis at nakakairitang paswit ang pumailanlang sa loob ng classroom nila ng hustong makaupo siya sa upuang nakatalaga para sa kanya. She instantly rolled her eyes heavenwards and turned her head to where the sound came.

Kaagan niyang nakita ang salarin. He was there at the far most corner of the room kung saan nag-iisa lang itong nakaupo at walang seatmates. He was completely isolated to the whole class. Prente itong nakaupo sa upuan nitong naiiba sa lahat dahil imbes na ordinaryong armchair na ginagamit ng mga estudyante, ang isang ito ay nakaupo sa swivel chair complete with mahogany table. Office na office ang dating.

As usual he’s wearing his patented “evil smirk” plus his signature shades and his diamond studded Apple silver-blue headphones na palagiang nakasalpak sa tenga nito kahit nasa kalagitnaan ng klase. At ang pinakakinaiinisan niyang bagay ay ang hindi nito pagsuot ng school uniform at sa halip ay nagsusuot ito ng mga damit na akala mo ay galing ito sa pictorial ng GQ magazine. Mukha itong modelong may dadaluhang fashion event na naligaw lang sa classroom nila. And everybody thought he’s cool.

Excluding her dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ito na ang nakaugaliang get-up ng mokong na ‘to at araw-araw din siyang naaasar sa mga pang-iinis at pang-aalaksa nito sa kanya. She can’t help it even upon hearing his name she was simply annoyed at nasisira kaagad ang araw niya.

Asar na huminga siya ng malalim at parang si Cyclops na binato niya ito ng nakamamatay na ‘laser irap’ ayon kay Rome. Ngunit sadyang gawa ito sa metal dahil kahit ‘laser irap’ na ang ibinato niya rito, the jerk is still smirking annoyingly at her as if he’s enjoying every moment of her discomfort.

“Arghh…” inis na inis na tinalikuran niya ito at nag-concentrate sa pagbibilang hanggang sampu. Pakiramdam niya ay ubos na ang tinitimpi niyang pasensiya sa kulugong ‘to at ano mang oras ay didilim ang paningin niya at baka matadtad na niya ito ng pira-piraso at ipakain sa mga alagang piranha ni Claire.

And speaking of her eight companions nasaan na pala ang mga yun? Bakit wala pa ang mga ito? She needed a back-up very badly.

“Miss Estrella…?” narinig niyang tawag nito mula sa likuran niya. She could hear the silent laughter on his voice.

She shut her eyes even tighter and concentrated on counting from one up to hundreds.

‘Hear no evil, speak no evil, see no evil…” paulit-ulit na pagcha-chant niya. She’s reigning her temper closely dahil baka pag-sisihan niya ng sobra ang magagawa niya rito. At isa pa pinag-aaralan niyang kontrolin ang sarili niyang ‘wag maasar dito dahil kapag di niya iyon ginawa parating siya ang matatalo. And she’s not in favor of it dahil pakiramdam niya simula ng second year sila at kalilipat lang nito sa eskwelahan nila ay sa magpahanggang kasalukuyang taon nila ngayon sa third year nadagdagan ang timbang niya dahil sa inis niya rito. He’s really good at ruining her day and even her diet. Ganun ito kasama pagdating sa kanya.

“Oh, you don’t like to be called Miss Estella, I see, so… does that mean na gusto mo ulit tawagin kitang ‘Miss Taba?’ I thought you’re annoyed by that endearment?” ngiting-ngiting sabi nito sa kanya probing her anger to rise even more.

Ngunit kahit anong renda ang gawin niya sa emosyon niya she can’t help but feel really annoyed. She’d had enough, umapaw na talaga sa limit ang pagka-asar niya rito. She stood up angrily at sinugod ito sa kinalulugaran nito sa likurang bahagi ng classroom nila. Kahit mahigpit na ipinagbabawal ng teacher nila na bawal umapak within his territory nagawa padin niyang suwayin iyon at pabagsak na ipinatong ang dalawang kamay sa crystallized mahogany desk nito. She’s already burning with contempt inside at kailangan niya iyong ilabas.

“Pwedi ba, Payne?!” mataas ang tinig na sita niya rito.

“Yes, sweet hat is it?” ni hindi man lang ito natinag sa naging reaksiyon niya. He even managed to smile sweetly at her.

Who could have thought that this charming creature would turn out to be the most annoying and most irritating person in the whole wide world?

She felt sick upon hearing his endearment to her.

“Sweetin mong mukha mo!” nanggigigil na sabi niya kay Payne. Ngunit ang damuhong nagkibit balikat lang and toyed his car keys. Sa buong panahon pang-aasar nito sa kanya ngayon lang siya nakaramdam ng urge na torture-in at talupan ng buhay si Payne. Probably after all this years she really had lost her temper beyond its boundaries.

“Arghh…” she screamed out loud out of anger and frustration. She balled her fist in her sides and she was about to hit him ng bigla itong tumayo at sinalo ang kamao niyang pipigas sana sa kagwapuhan nito.

“Oops! easy sweet. Ikaw naman, you take things seriously … I was just joking. Please, sweet I’m begging you, wag mong gawing punching bag ang mukha ko. Sige ka pag nagka-black-eye ako my fans would sue you.” Banta nito at hinila siya papalapit dito with his table in between them.

“You, jerk!” she swear abot hanggang galaxy na talaga ang galit niya sa inasal nito.

He just smiled and opened his drawer na hindi binibitawan ang kamay niya. Then lumigid ito papunta sa harap niya with his hand still holding her wrist and the other one is hidden behind his back.

Samantalang siya ay hindi alam ang gagawin sa sobrang galit niya rito. Probably she couldn’t bear to kill this bastard so she tried taking her hands off him but to her utter disappointment ni hindi natinag ang paghawak nito sa palapulsuhan niya at lalo yatang humihigpit tuwing tinatangka niyang bawiin. Mabuti nalang talaga at dadalawa lang silang tao sa classroom kung hindi abot-abot na kantiyaw na ang inabot niya mula sa mga classmates nila.

“Damn it, Mitchells let go of my hand or I’ll slash your neck.” For the first time namura niya ito at nakapagbitiw siya ng banta dala ng matinding galit niya.

For a fleeting second umiba ang expression ng mukha nito but then again he was able to mask it with his ever charming-devilish smile and his eyes were dancing of mischief.

“Whoa, should I be scared?” naghahamon ang tonong sabi nito at sinabayan pa iyon ng pagtutop sa dibdib nito mocking her.

That was the final blow. Hindi na talaga niya ma-carry ang nag-uumapaw na inis dito. Kaagad na tumaas ang kabilang paa niya at ubod lakas na tinapakan ang ang kaliwang paa nito.

Mabilis pa sa alas-kuwatrong binitawan siya nito. Her move was effective.

“Awww!” reklamo nito.

“Good for you at nasasaktan ka rin pala. Sa uulit-ulitin wag mo na akong asarin. Maliwanag? Dahil kung hindi ipapabugbog kita sa walo kaibigan ko. Got that?! And yes, you should be scared! I REALLY HATE YOU!,” galit na galit at namuula ang mukhang banta niya rito at kaagad na tinalikuran ito.

She had to go out immediately dahil kung hindi baka bigla siyang atakehin sa puso. Kailangang-kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin dahil aminin man niya o hindi anumang oras ay maiiyak na siya.

Peste! Bakit kasi pag na-over ang inis niya at asar at kung galit na galit siya eh naiiyak siya? Kainis! For the first time ever.. ngayon lang niya hindi nakaya ang damuhong Payne na ‘yun. At talagang pinatulo pa ng kamoteng yun ang luha niya. He’s really an annoying jerk ever. Bwesit talaga sa existence niya rito sa mundo.

“Shit!” mura niya ng maramdamang tumulo na talaga ang kanina pa niyang pinipigil na luha. Inis na pinahid niya iyon ng likod ng palad niya. Tatandaan talaga niya ang araw na ‘to at humanda si Payne dahil pagsisisihan nito ang araw na pinaiyak siya nito. He’s going to regret the day he started ruining her day…

Lintik lang ang walang ganti!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Highschool BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon