Prologue

31 0 4
                                    

Maganda sana ang umagang yun kung wala lang sila sa hospital ng mama niya. Katatapos lang ng 16th birthday niya at kailangan niya na rin maghanda para sa graduation niya sa susunod na week.

Sinugod ang mama niya kinaumagahan ng araw na iyon . Ang sabi ng doctor heart attack daw. Alam niyang high blood ang mama niya pero nito nagagawang ipagpatuloy ang mga gamot gawa nga na ibinabayad niya pa yun sa paaralan.

Okay naman sa kanya kung sa public school siya mag-aral kaya hindi niya maintindihan kung bakit sa private pa siya pinapasok.

"Nak, pwede mo ba akong tulungang makaupo? Nangangalay na ang likod ko eh"
Lumapit ako kay mama at tinulungan siya. Bawal daw gumawa ng mabibigat na galaw dahil baka bigla na lang daw siya atakihin ulit. Kaya dahan-dahan lang paggalaw ni mama

Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan siya. Balot na kaagad ng katandaan ang mga magagandang mata at hindi mo aakalaing singkwenta lang siya.

Minsan kapag pinagmamasdan ko siya ng ganito, hindi ko mapigilang hindi malungkot.

Naging mahirap ang buhay para sa aming dalawa. Magmula ng ipinanganak ako, pasan na ni mama ang lahat ng obligasyon. Hindi ko na nakilala ang aking ama. Pero ang sabi ni mama, amerikano daw. Nakilala niya sa Baguio. Naging masaya ang kanilang pagsasama pero kailangan daw umuwi ng amerika ang ama ko. Nangako siyang babalik pero hindi na nangyari yun.
Gayunpaman, hindi nagalit si mama sa ama ko. At kahit hindi niya man sabihin. Alam ko na hanggang ngayon ay umaasa pa siyang babalik ang taong yun...si Anthony Larson.

Hinawakan ni mama ang kamay ko at tumingin sa akin. "Monica, kahit na ano ang mangyari sa akin, ipangako mo na hindi ka panghihinaan ng loob. Lumaban ka palagi. Huwag kang matakot dahil lahat ng kailangan para mabuhay ay nasa iyo." Hindi ko gusto ang sinasabi ni mama pero tumango pa rin ako bilang pagsang-ayon.

Binitiwan ko ang kanyang kamay at tumayo. " Ma, aalis muna ako ha. Pupunta lang ako kina Tiyang Elisa." Kailangan kong makautang para sa mga gamot niya. Lumalaki na rin ang mga bayarin sa hospital.

Nahirapan din akong kausapin si tiyang lalo na at nandoon ang asungot niyang asawa. Asawa ng kapatid ni mama si Tiyang Elisa. Mabait siya kaya lang nakapag-asawa siya muli parang dumalang na ang pagdalaw niya sa amin. Kahit nga ang pinsan kong si Toria ay madalang ko na rin makausap. Tumawag ako sa kanila at lumuwas na rin papunta ng maynila. Sandali lang naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang pumunta doon.

Pagkarating ko sa bahay ni Tiyan ay nakita ko ang asungot.

"Tiyong, magandang umaga po." Sabay mano sa kanya. Alam kong may pagkamanyak ang lalaking ito kaya binawi ko kaagad ang kamay ko. Naramdaman ko pinisil niya ito.

Dali-daling lumabas si Toria ng bahay nila. "Nica!" Yumakap siya kaagad sa akin.

"Tor, nasaan si Tiyang. Kailangan ko kasi ng tulong niyo. Si Mama.." hindi na napigilan ng mata kong maluha. Pinakinggan ako ni Toria ng tahimik habang kinekwento ko ang nangyari sa akin.

Biglang dumating si Tiyang. Hindi ako kaagad nakalapit sa kanya dahil narinig ko ang sigawan ng mag-asawa. Hinarap ko si Toria at napayuko na lang siya.
"Ganito palagi Nic. Magulo." At isang luha lumandas sa mala-anghel na mukha ni Toria.

Nang makaalis na ang asungot ay saka na lang ako lumapit kay Tiyang.
"Nic-nic nandito ka pala."

"Pasensya na tiyang kung talagang nagpunta ako sa ganitong pagkakataon. Si mama kasi nasa hospital. Inatake sa puso. Manghihiram po sana ako."

Lumungkot ang mukha ni Tiyang sa sinabi ko. Alam ko naman na wala ako mahihita dahil hindi rin naman mayaman ang Tiyang.

"Pasensya ka na Nic. Pero kapos din kami ngayon."

"Okay lang po. Nagbaka sakali lang naman po ako." Nakayuko kong kinuha ang bag ko at lumabas na sa may pinto.

"Nic tanggapin mo ito. Maliit yan at alam ko kulang pa talaga sa kailangan mo pero kahit diyan lang ay makatulong ako." At inabot ni Tiyang ang isang libo sa akin. Naluha ako at napayakap na lang sa kanya. Alam ko gusto niyang tumulong pero hirap din siya.

Bumalik na ako ng Olongapo ng hapong yun para balikan si Mama.

Nang makarating ako ng hospital ay napansin ko ang nagtatakbuhang nurse at doctor patungong ward. Teka si Mama!

Kumaripas na rin ako patungo sa ward. At doon nakita ko na ang panguryente sa puso. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Inilalagay yun nila sa dibdib ni Mama. Naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Nakita ko na lang na tinatakpan na nila ng kumot si Mama at ang doctor ay kinakausap ako. Wala akong maintindihan sa lahat ng sinasabi niya. Ang alam ko lang wala na si Mama.

Ako na lang mag-isa...

*********************************
Sa tulong ni Tiyang at ng ilan naming mga kamag-anak, ay napalibing namin ng maayos si Mama.

Nagpalipat-lipat ako ng kamag-anak. Hanggang isang tawag galing kay Tiyang Elisa ang natanggap ko. Magkita daw kami sa isang restaurant sa Manila.

Maaga pa lang ay lumuwas na ako papuntang Maynila.

Nakarating din ako sa lugar na sinabi ni Tiyang. Nakita ko siya na nakaupo sa isang area na pang-apatan. Lumapit ako sa kanya at nakita ko na may kasama siyang isang lalaki. At kahit hindi pa sabihin ni Tiyang ay kilala ko ang taong yun. Walang iba kundi aking ama__si Anthony Larson.

The Thorn-filled BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon