Wine

13 0 0
                                    

Monica's pov

Magmula nung gabing yun ay dumistansiya si Tyrone. Hindi ko alam pero kahit paano ay may relief akong nararamdaman sa pagdistansiya niya. Nawawala kasi ako sa focus just the mere presence pa lang niya.

Kapag nasa Castillon ako ay sinisiguro niyang hindi kami nagsasalubong. Palagi siyang nasa opisina while I handle everything sa workers. Aaminin ko. Kung minsan ay namimiss ko siya.

Anong minsan?

Oo sige na, palagi ko siyang namimiss. Para kasing kulang araw ko kapag hindi niya ako inaasar. Nasanay akong makipagtagisan ng galing sa flirting sa kanya. I miss the psych wars we had. Ito ba ang ibig niyang sabihing truce?

Kasalukuyan akong umiinom ng kape with the  interior designer nang nahagip siya ng aking peripheral vision. At hindi rin nakalampas sa paningin ko ang babaeng hawak niya sa may beywang. Napakunot ang noo ko sa tanawing yun.

I made a quick assessment on the lady. Yeah, she's pretty pero napakaaverage. Mas maganda pa nga yata si Peggy na personal assistant ko sa babaeng ito. I went down from the face to the body. Mas higit naman akong sexy diyan sa hitad na iyan.

Wait a minute. Teka, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya?

Nakita kong papalapit ang dalawa sa table na kinauupuan namin ng interior designer.

"Hello ladies." Bati niya sa amin while flashing his beautiful smile na malimit niya lang ipakita kung nasa vicinity ako.

"Signor Vedecelli. Boungiourno. I was just showing Signorina Larson the outline of our new interior." Mr. Stamos, the designer said.

Nginitian ko siya at binaling ang pansin sa babaeng kasama niya. "Hello, I'm Monica and you are?" Pagpapakilala ko sa babae. Nagulat siguro ang babae sa biglang pagpapakilala ko sa kanya. Pero nang makabawi ay tinanggap niya ang pakikipagkamay ko sa kanya.

"Boungiorno. I am Mikaela Salvatore. It's a pleasure finally meeting you Signorina Larson"

"Oh, you can call me Monica. Any friend of Tyrone is also my friend. Right Tyrone?"

Isang matalim na tingin ang pinukol ni Tyrone sa akin. Now that's the Tyrone I know.

"Mikaela is with me to check on the winery. She's one of our best wine connoisseurs here in Italy."  at parang proud pa talaga ang lalaking ito.

"Oh, I see. So you are good with liquor." Patuya kong tanong.

Hindi ko maintindihan pero naiirita talaga ako sa babaeng ito. Wala naman siyang ginagawa sa akin.

"Just wine signorina. My father used to run a big wine company. And we do have vineyards in some parts of Tuscani so you can actually can say that I did grow up with wine" isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Mikaela. Hmmm...may pagkabitch din pala.

"Oh, that is nice to hear." Sagot ko.

"I guess we have to go first. Mika, let's talk in my office" at may ngiting iginiya ni Tyrone si Mikaela sa office niya. At hindi nakaalpas sa mata ko ang kamay niyang nasa beywang ng babae.

Nakakainis talaga. Kaya pala parang dedma na ako kasi nakakita na siya ng babaeng lalandiin niya.

Hindi ko maintindihan ang inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko hindi ko gusto ang nangyayari. This is supposed to be our game. And our game only. I don't like some bitch messing around my toy. No, I don't like sharing.

Buong pagtataka akong hinarap ni Mr. Stamos. Pero napalitan ito ng isang makahulugang ngiti.

"What are you smiling at Mr. Stamos?"

The Thorn-filled BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon