Goddess

11 0 0
                                    

Monica's pov

I woke up around late afternoon. Palubog na rin ang araw. I went by the window. Kita rin pala dito ang mga vineyards. Ang ganda lang pagmasdan ng halo-halong kulay ng langit.

"Ang ganda ng langit Ma. Masaya ka ba diyan? Sana nakikita mo itong nakikita ko. Sana makita mo kung ano na ang narating ko..."

Hindi ko na napansin na may lumandas nang luha sa mata ko. Kapag ganitong nag-iisa ako ay hindi ko mapigilang maalala ang mama. I always dreamt of giving her a beautiful life katulad ng buhay ko ngayon. Kaya lang nawala siya bago ko man lang nagawa ang lahat ng pangarap ko. Napabuntong-hininga na lang ako at nagtungo ng bathroom para maghanda para sa party mamaya.

Nagbabad ako ng ilang minuto sa bathtub at nagshower na lang din after. I chose a black sequined long sleeved gown na may malalim na neckline exposing ang midsection ng dibdib ko. Pero kahit ganun ay mukha pa ring desente at hindi bastusin. I put on a dark makeup. I made my eyes smokey and put on a nude lipstick para maemphasize ang mga mata ko. I made my hair sleek at nakalugay lang. It was one of my strongest looks whenever I attend an event. Showstopper kumbaga.

When I'm finished preparing ay naisipan ko nang bumaba.

Marami-rami na rin ang tao ang nakarating. Some of them I recognize and some bago sa paningin ko. I descended down the stairs with all the confidence I can muster. Ito ang tunay na battlefield because some of the business deals ay nagsisimula at nagtatapos sa simpleng parties na ganito. In these kind of parties ay nakikilala mo ang nagiging allies mo and mga opponents.

"Belissima." Narinig kong bulong niya sa likuran ko. May sa maligno ba itong lalaking ito at lagi na lang ako nabibigla sa pagsulpot niya?

"Gracie signore" sagot ko at hinarap siya. Hindi naman ako nadisappoint sa nakita ko. Napakagwapo ni Tyrone on his three-piece suit. He looks so regal and sexy. At mas lalong tumindi ang sex-appeal niya with those two piercing eyes.

"You look beautiful today Signorina Monica. Befitting indeed to the new queen of Castillo." He said still looking with those piercing eyes.

"Oh dont flatter me Tyrone. And besides I'm only here for 2 months to aid for the renovations and marketing aspects of Castillo. I have no plans of staying for long." I said with no emotions.

His face seemed to change from an expression of teasing to being grim. But I dont care what he thinks. I'm here as a representative of dad and if the restaurant has its new look and it kicks off, I'm out of here.

Tyrone said nothing and decided to walk away to talk to one of the investors while I was left standing there with a champagne glass on my hand. A guy came to me and ask me he could keep me company. Well who am I to resist?

The guys seemed to talk nonstop. Ah, irritating. Good thing a familiar face passed by.

"Ah Pietro. I need to talk to you.Excuse me sir." I left the man and went with Pietro.

Pietro looked at me wondering what it is that I wanted to talk about. "Just go with it." Bulong ko sa kanya at inakay niya na lang ako sa may beywang.

"Sneaking away with me again, hmm?" Nakangising biro ng loko.

Kahit naman pangit ang kinahinatnan ng lovestory namin ni Pietro ay may pinagsamahan naman kami. Kaya malaya niya akong nabibiro at nakakasakay naman ako.

"Don't like it? I can leave." Banta ko sa kanya habang pinipigilan ang ngiti ko.

"Like you always do." Sagot niya naman.

Ay humugot na naman itong italyanong ito. Hindi makamove-on?

"It's like you give a sh*t about me leaving."

Tumigil kami sa paglalakad at nakarating kami sa isa sa mga gardens ng mansiong iyon. Napatitig sa akin si Pietro at napangiti na lang ulit.

"Oh I forgot. You told me not to interfere with you. But whenever something happens, it's me who's always bailing you out."

Natahimik ako sa turan niyang yun. I loved Pietro but not enough to erase my fear of commitments. Kung tutuusin wala nga yata ni isa sa mga lalakeng naging boyfriend ko ang napalapit sa akin. Si Pietro lang nga yata. But it was a lost cause. Ako ang hindi kayang magmahal at hindi naman niya deserve yun.

Hinawakan ni Pietro ang kamay ko. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may feelings pa rin siya sa akin. Pero alam niya rin ako ang isang babaeng hindi niya makukuha. We are a messed up pair and we will not work.

"Should you be at the kitchen Chef Pietro?" Isang baritonong tinig ang nakapagpalingon sa amin sa aming likuran.

"Mr. Vedicelli. My excuses. I think I should be heading back. Monica?"

Isang tango lang ang tinugon ko kay Pietro at umalis na ito patungo ng kitchen. Lumapit naman si Tyrone sa akin.

"Did I interrupt something?"

Umiling lang ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"It's a beautiful night isn't it?" Saad ko sa kanya.

Napatingala din siya sa kalangitan at inenjoy ang kagandahan nito. Napatitig ako sa kanya. Hindi niya napansin dahil nananatiling nakatingala siya sa kalangitan.

Minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang pakiramdam ko uneasy ako kung kasama ko si Tyrone. Napabuntung-hininga ako. Hindi ko maintindihan. I have this big attraction sa kanya that I just cant shoo away. Just his mere presence can make me uncomfortable and I hate uncomfortable.

I hate losing control and being uncertain. Nakakawala ng confidence and everything I lived for is built on confidence. Ayoko na may alinlangan sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Call me a controlling bitch but maybe that just how I am. I need that to survive.

Hindi naglaon ay bumalik rin kami ni Tyrone sa loob. Nanatili siyang tahimik at hanggang sa makapasok kami sa mansion ay wala kaming imikan.

Nagsimula na ang dinner at masasabi ko na hinigitan na naman ni Pietro ang expectations ko. Napakasarap ng luto at tiyak ako na nag-enjoy ang mga bisita. After that there was a mini program and everybody started to dance.

Ilang kalalakihan din ang pinaunlakan ko para makasayaw. But I easily grow tired of the formalities. I talked to some investors and their wives. But eventually I head off to my bedroom to rest.

Papunta na ako sa kwarto ko nang nanotice ko na may nakatayo sa may pasilyo. Hindi ko maaninag ang mukha dahil medyo dim-lighted ang area ng pasilyong yun.

"So the goddess decided to make an exit."

Tuluyan nang lumapit si Tyrone sa akin blocking my way towards the bedroom. Minsan nalilito ako sa lalaking ito. I dont know if he is seducing me o talagang nang-aasar lang siya.

"I'm tired Tyrone. I dont have the energy to indulge you."

"Oh do please indulge me." Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Sumasakit ang ulo ko at gusto ko na talagang magpahinga pero may iba pa talagang trip itong lalaking ito.

"Ang how would I do that signore Vedicelli?" Irritated na talaga ako.

"Through this..."

At hinapit niya ako sa may bewang at mapusok na hinalikan.

At first nagulat ako pero hindi naglaon ay tumugon din ako sa mga halik na yun.

He pinned me against the wall while his mouth and tongue is making an invasion. Napaungol ako ng sipsipin niya ang bibig ko at nakipagespadahan na ang dila niya sa dila ko. Shet! He's great at this!

Nadadala ako sa klase ng paghalik niya sa akin and it seems na nanghihina ako sa ginagawa niya. So napakapit ako sa balikat niya for support.

And when it seemed that it will take infinity, we stopped. Pareho kaming hinihingal pagkatapos ng mindblowing kiss na yun.

"Goodnight my goddess." Ganun lang at tumalikod na siya pabalik sa party. Sinundan ko lang siya ng tingin. Wtf?

That blew my mind...

The Thorn-filled BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon