BFFs

11 0 0
                                    

Monica pov

"Hello Bitches! " bati ko kina Cate. We decided to see each other before Jenna's fashion show.

Lumapit kami ni Tori sa kanila na sa kasalukuyan ay nakaorder na ng kape nila.

"Catey, I missed you. Hindi ka sumasagot sa mga pm ko."

"Sino kaya ang umindian sa akin at bigla na lang lumipad pastates. You still owe me an interview missy!" Sagot ni Cate sa akin.

Napangiti na lang ako. Hindi ko naman kasi kasalanan yun. It was the time na pinapauwi ako ni Dad sa New York. Marami nga kung tutuusin ang nangyari nung time na yun. And I had a big opportunity to be part ng cover ng Harper's Bazaar. I know I did ditch the interview but I know na naiintindihan naman ako ni Cate.

"Alam mo naman na magulo noon eh. I need to be in New York. Nagkasakit si dad. Pinipilit niya pa ako to take over the business. Ay ewan ko talaga. Kaya sorry na.." I gave Cate my special puppy eyes for the finish. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

"O siya! Forgiven ka na. Para makabawi ka mag-attend ka na lang sa launch ng line ni Jenna tomorrow."

Bukas na nga pala talaga ang fashion show ni Jenna. Isa nga naman yun sa mga rason kung bakit ako umuwi dito sa Pilipinas. At ikalawa ay para asikasuhin ang puntod ni Mama sa Olongapo.

Matagal na nga ring panahon yun. At heto na ako ngayon. Sikat na ako at mayaman. Hindi ko man nakitang nagkabalikan ang mga magulang ko, at least masasabi kong lumaki naman ako sa pagmamahal from both of them.

"So may pinaiyak ka na namang babae Nate" narinig kong sabi ng mataray kong pinsan.

Babaero talaga itong kaibigan naming si Nate. Pero kahit hindi aminin ng isang ito, obvious naman na kahit ilang babae pa ang dumaan, iisa lang talaga ang gusto niya. Tiningnan ko si Cate na tawang-tawa kay Nate habang binabanatan ni Tori.

"Parang hindi naman." Sabi ko. Tiningnan ko si Nate at kinindatan. Alam ko ang sikreto mo friend. Tumayo ako at nagtungo sa counter. Sinamahan ako ni Abigail.

"Cuz, ano gusto mo?" Tanong ko kay Tori.

"Americano tall, Cuz" sagot niya sa akin.

Yun at nagtungo na kami ni Abby sa counter. Halfway going there ay sinalubong kami ng isang grupo ng teenagers. Puro sila mga babae at sure ako na ako ang pakay nila.

"Omgee!!! Si Monica Larson guys!" Tili ng isa kanila. Sanay na ako sa ganitong atensyon pero kung minsan naiirita pa rin ako. Alam ko naman na ito ang kapalit ng pagsikat, yung kalayaan mo. Hindi mo kayang ipakita kung sino ka talaga kasi baka masira ang iniingatan mong reputasyon. At kaya kahit naiingayan ka na ngingiti ka parin gaya ng ginagawa ko ngayon.

"Paselfie naman idol" sabi pa ng isang girl na pink tank top at ubod nga ikling skirt. Ganito na nga siguro ang panahon ngayon kahit bata pa ay likas na talaga ang pagkahaliparot ng mga ito.

"Sure, no problem" at humarap na ako sa harap ng camera with them. Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami sa kanila at umorder na.

We talked so much that day. Nakakamiss din ang mga ito. Sayang at wala si Jenna. Siya pa naman ang bestfriend ng lahat pero alam kong mas close siya kay Cate. Ako, nandyan naman si pinsan at Doc Abby. Sila ang pinakaclose ko. Siguro nga dahil sila ang mas nakakaintindi sa akin.

Hindi na namin namalayang gabi na pala. Cate went with Nate kasi sa  iisang condominium lang naman sila nakatira. Abby went back to the hospital kasi may tatapusin pa daw siya. Hay naku, workaholic talaga kaya walang  boyfriend. At kami ni Tori ay magakasamang umuwi na.

"Daan muna tayo kay mama cuz. Pwede?" Tiningnan ako ni Tori at tumango ito sa akin. Kahit gabi na ay nagpupunta pa rin ako sa puntid ni mama. Pagdatin nami ay nagtungo ako sa loob ng musoleo. Pinagawan ni daddy ng musoleo si mama. Kahit sa ganito man lang ay nagawa man lang siya sa babaeng pinag-alayan ng mama niya.

Ang nangyari sa mga magulang marahil ang isa sa pinakatragic na love story na narinig ko. Ito rin siguro marahil angcrasin kung bakit hindi ako naniniwala sa forever at sa love na yan.

"Pinsan uwi na tayo?" Tanong ni Tori nang makapagtagal na kami doon.

Tinanguan ko na lang siya at muling hinawakan ang nitso.

"Babalik ulit ako Ma."

Tahimik lang ako buong byahe namin pauwi. Napagod din ako. Pero gayunpaman masaya ako at nakipagkita ako sa mga kaibigan ko. Iba man siguro ang mga hugot namin sa buhay pero ang mga kaibigan ko ang nagbigay ng definition ng pamilya. And for me na may trust issues, sila lang ang kaya kong bigyan ng 100%trust. My friends pero mas tamang sabihing sisters...

The Thorn-filled BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon