Balikbayan

10 0 0
                                    

Monica's pov

It's been a busy month. Halos wala na nga akong naging pahinga. Daddy was able to get out of the hospital and is now undergoing therapy. Jason naman is busy sa ibang businesses ni dad. While Aunt Grace was left tivtake care of dad. And moi? Well, ito hindi magkandaugaga sa dami ba naman ng  photoshoots and ads na kailangan puntahan. Kung sino man ang nag-iisip na madali lang ang modelling, maling-mali kayo. Ilang beses ka kaya dapat magbagong anyo para sa shoots, not to mention ang matataas na heels na kailangan mong suotin at mga accessories. Oo, glamor is there pero kaakibat itong sakut at paghihirap.

I was trying to catch some nap when my phone rang. "Hello."

"Nica, it's Jenna. Sorry to call you this late. I know it 1am there in New York. I would like to ask a favor sana."

"Shoot Jen. How can I help you?" Sagot sabay hikab. Hindi ko na talaga mapigilan ang antok.

"Well next week, I will be releasing my summer collection. Gusto kita sanang kuning model."

"You know how much I love you but I can't Jenskie. I still have commitments here. I can come sa araw ng show but I can't be there during fittings and the practice. Siguro makakarating ako 2 days before the show." Sagot ko. Alam ko na malulungkot si Jenna pero hindi talaga pwede. Hindi ko pwedeng hatiin ang katawan ko as much as I want to.

"But I can recommend someone from Mercator. She's good at bagay sa type ng apparel na ginagawa mo."

"Ah ganun ba? Nakakalungkot naman. You know naman na isa ka sa mga muses ko di ba? Pero sige naiintindihan but please be there on the day of the show." Jenna said.

Jenna has always been my good friend. Apat lang ang itinuturing kong pinakaimportanteng kaibigan ko. My bestfriends. My sisters. Si Jenna has always been the one who tells me na ako daw ang muse niya. Na kung hindi daw niya ako nakita ay hindi daw siya makakagawa ng magagandang damit. She would always tell me noong nasa college kami na she would always imagine me wearing my clothes someday at sabi niya na bagay akong magmodel which is funny kasi nga nagkatotoo.

We talked pa some more. Kaya lang antok na talaga ako kaya nagpaalam na ako at inend ang call.

I'm tired...

***********************************
A week has passed at heto na naman ako sa airport. Not for work of course. Hindi maipinta ang mukha ni Samantha kanina. I just cancelled all my other commitments just to go home.
It came as a shock sa kanila dahil hindi ko ni minsan tinanggihan ang trabaho.
But this is Jenna, my sister from another mother. Tumanggi na nga akong maging model for this runway show, hindi pa ako pupunta.

I arrived at NAIA just as I calculated. Mabuti na lang talaga at walang delays. At mabuti at on time din si Mang Berting.
Mang Berting has been my driver for 5 years na. Hindi sa hindi amo marunong magdrive kaya lang kung minsan nakakapagod ang magdrive lalo na kung gabing-gabi na natatapos ang shoot. Kung minsan maa convenient na susunduin ka na lang at pwede ka pang magpahinga while pauwi ka.
"Maam, welcome home." Bati ni Mang Berting sa akin.

"Kamusta Mang Berting. Sa bahay tayo derecho ha. Gusto ko magpahinga. Yun at nagsimula nang magdrive ni Mang Berting. Samantala ako ay pumikit at inilagay ang earphones ko sa tenga.

Mga isang oras din ang inabot namin. Ughh!! Traffic talaga sa Pilipinas! Things never change.

Pagdating ng bahay ay derecho ako sa kusina para batiin ang dalawang taong gustong-gusto kong makita.

"Tita Elisa! I'm home"

Napatingin ang tiya ko sa aking gawi at isang malaking ngiti ang gumuhit sa maganda niyang mukha.

"Niknik!! Nakauwi ka na! Hindi ka man lang nagpasabi bata ka. Sana nakapaghanda ako." At isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.

Magmula ng magkita kami ng ama ko ay hiniling ko na gusto makasama sina Tiya Elisa at si Tori. Naging mahirap dahil sa umpisa ay ayaw nila Tiya Elisa. That time magkasama pa sila ng kinakasama niyang gago. Pero ng nagkaroon ng insidente na nanganib ang buhay ni toria ay pinilit ko na sumama na sila sa akin. Pinangako naman ng ama ko na proprotektahan niya ang mag-ina at hindi kailanman pa makakalapit ang gagong yun sa kanila.

"Tiya, si Tori nasaan?" Tanong ko habang hinahanap ang pinsan ko.

"Hay naku, nandoon pa yun sa firm iha. May malaki daw silang hinahawakang kaso. Parang inheritance case daw. Sa sobrang hirap ng kaso ay hayun doon na nagcamping sa opisina nila. Hindi ko na nga halos makita ang batang yun"

Kahit kailan workaholic talaga ang babaeng yun. Tori became a lawyer after the incident that happened to her when we were still teenagers. Pangako niya daw sa sarili niya na pagtatanggol niya ang mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso na katulad na naranasan nila ng nanay niya. Talking about a hardcore feminist.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang babaeng yun.

"Hello Toria. Nakauwi na ako from NYC at lahat-lahat. Nandyan ka pa rin. Hindi mo pa ako sinundo. Nagtatampo na ako" sabi ko habang nakangisi.
Si Tiya Elisa naman ay nakangiti na rin. Ako lang naman talaga ang only person na pwede bumara kay Tori. Sa lakas ba naman ng personalidad ng babaeng yun, hindi ako nagtataka kung pati mga bruskong lalaki napapaluhod niya.

"Oo na uuwi na ako diyan mahal na prinsesa" sagot sa akin ni Toria.

"See you cousin. Marami pala akong pasalubong kaya dalian mo."

Nilibot ko ang paningin ko sa palibot pagkatapos ng tawag na yun. This has been my house for 10 years. Wala masyadong pinabago si Tiya Elisa sa interior. Napangiti na lang ako. I'm really home...

The Thorn-filled BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon