Monica's pov
I woke up earlier than usual. Actually, ang totoo ay hindi man lang ako nakatulog dahil sa nangyari. I dont know kung ano ang tumatakbo sa utak ng lalaking yun.
Sinusubukan talaga ng lalaking yun ang tolerance ko. Akala niya sa paghalik-halik niyang yun ay makukuha niya ang lahat ng gusto niya. Hindi pa pinapanganak ang lalaking makakamanipulate sa akin.
I need to have a game plan. Yung plano ng actions para hindi ako dehado. Alam kong isang display pa rin ang tingin ng mga lalaking ito sa akin. Doon sila nagkamali. The first thing na dapat matutunan mo sa mundo, never underestimate anyone, specially a woman with drive.
Bumangon na lang ako ng kama at nagsimula nang maghilamos at magtoothbrush. I changed into my running clothes and decided to take the same route I took yesterday.
Bumaba na ako para tumakbo nang mamataan ko ang dalawang tao sa may hall na nag-uusap.
Umiral na naman ang pagkapakialamera ko at lumapit sa may pinto ng hall.
I saw him with an unfamiliar woman. In fairness maganda siya. She has this classic beauty ng isang tunay na italyana. Hindi na ako nakatiis at pinakinggan ko na ang kanilang usapan."Fratello, cosa stai facendo? Sai molto che il papà ti ha voluto sposarla. Ma non ha detto che devi amarla. È un gioco pericoloso che stai giocando."
(Kuya, anong ginagawa mo? Alam mo na gusto ni papa na pakasalan mo ang babaeng iyon. Pero hindi niya sinabi na mahalin mo siya. It's a dangerous game you are playing.)
"Chi ha detto che sono innamorata di lei. Lo ammetto che è interessante. Ma tu mi conosci la sorella. Non amo."
(Sino ba ang may sabing mahal ko siya? I do admit that she is interesting. But you know me. I don't do love)
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero may pakiramdam akong ako yun. Maybe sixth sense lang. Pero hindi pa ako nagkakamali sa mga hinala ko.
Aalis na sana ako nang hindi sinasadyang napansin ako ni Tyrone. Wala na rin akong magawa dahil nga sa nakita niya na nga ako kaya lumapit na lang ako sa kanila.
"Good morning Monica. Were you there for a long time?" Tanong ni Tyrone.
"No I just came down from my room. I noticed that this door was opened and I heard voices. So I checked." Dahilan ko. Tumango naman si Tyrone at tila kumbinsido naman siya.
"Oh, by the way, Monica. This is my sister Lucia." Pagpapakilala niya sa kasama niya.
"Nice to meet you Lucia." Nilahad ko ang kamay ko.
She took it at ngumiti. Maganda ang babaeng ito. Siguro kung nagpunta ito ng Milan para magapply as a model ay malamang nabook na siya sa maraming shows.
Lucia has a classic italian look. Beautiful deep-seated eyes with the same grayish irises I have seen from her brother. She has soft facial structure and matangos din ang ilong. Pero ang pinakamaganada sa lahat ay ang labi niya na rose bud-shaped. Iilan lang ang mga babaeng may ganoong katangian ng lips at bumagay ito sa kanya.
"Same here Miss Monica. My father has told me a lot about your family. I'm happy that you are able to be with us." Magiliw na bati rin Lucia sa akin.
"So where are you going Monica? Running?" Tanong ulit ni Tyrone sa akin.
"Yes. Just a few turns just to keep the blood flowing. I think I'm going. Nice to meet you Lucia" sabi ko at tuluyang pumihit na palabas ng mansion.
Tinanguan naman ako ng dalawa at tuluyan na akong lumabas.
Tinahak ko ang karaniwang ruta ko sa pagtakbo. Hindi pa rin maalis sa utak ko ang pinag-uusapan ng dalawang iyon.
Maghunusdili ka Monica. Napapraning ka na naman. Hindi mo naman talaga alam kung ikaw nga talaga ang pinag-uusapan ng dalawa.
Hindi ko talaga maiwasan ang mapraning pagdating kay Tyrone. Isa siyang malaking rubik's cube. Habang inaalam mo mas lalong gumugulo. Ang hirap niya ifigure out. One moment he shows you that he is interested at maya-maya etsapwera ka na. Hindi ko siya maintindihan at mas lalong naiinis ako kapag hindi ko kontrolado ang sitwasyon.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makarating ako sa isang bahagi ng villa nila. Medyo hindi ito pamilyar sa akin. Ang tanga ko nga naman. How could I get lost?
Napahinto ako at naghanap ng bahay na pwede kong pagtanungan.
Ang tanga mo talaga Monica! Hindi mo man lang tiningnan kung saan kana pumunta.
It was already noontime at mataas na anh sikat ng araw. Mabuti na nga lang at hindi masyadong mainit katulad ng nasa Pilipinas. But still I felt exhausted running just tryingvto figure out my way back. Naupo muna ako sa ilalim ng isang puno.
Mabuti na lang talaga at mahangin ngayon. Kahit paano ay napapagaan ng hangin ang pakiramdam niya.aganda rin ang area na inupuan niya sa may puni. It was a nice place at may mga ligaw na bulaklak na tumutubo doon. It was beautiful. Masaya nga siguro ang tumira sa ganitong lugar. Ang simple lang ng lahat at napakatahimik. For the past 5 years her life is everything but peaceful. Eskandalo diyan, chismis dito. People live for gossip. Thing I don't miss at all.
Sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan nakaidlip na pala ako.
Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang katawan kong umangat sa lupa. Napansin ko na karga na pala ako ng isang lalaki. Napapikit ako muli at ninamnam ang init ng katawan ng may karga sa akin. Ewan ko but I felt safe. Lalo akong sumiksi sa katawan niya. Hahayaan ko na lang muna. I like this feeling.
"Do I really smell nice Amore? You seemed to stick your face to my chest."
Napadilat ako sa turan niyang yun. Hindi ako nananaginip. Talaga palang siya yun. Talagang karga niya ako.
"You can put me down now." I said pero pulang-pula pa rin ang mukha ko sa pinaggagawa ko.
Nakakainis naman oh. Could this be anymore irritating? Nakakainis lang ang ngisi niya. Yung tipong tinutuya ka pa. Ibinaba niya naman ako ng maayos.
"Thank you."
"How did you end in this part of the villa amore?" Tanong niya sa akin. Pero hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa mukha niya.
Kalma lang Monica. Talo ka kung nagpaapekto ka.
"I got lost. Not one of my best attributes, I guess." Sagot ko at binalik na ang lethal smiling face ko.
"Good thing I passed by. I can bring you home. Obviously, you are not dressed for work." Yun at tinalikuran niya na ako.
Tingnan mo ito. Wala man lang kasweetan sa katawan. Nung lumingon siya akala ko ay aakayin niya ako.
"What are you waiting there Monica? Follow me." Yun lang at dumiretso sa sasakyan niya.
Well pinagbuksan niya naman ng pintuan, so at least masasabi kong kahit paano ay gentleman naman. Kaya lang hindi niya nanaman ako pinansin pagkatapos niyang paandarin ang sasakyan at nagdrive. Ay ewan... Hirap intindihin...
BINABASA MO ANG
The Thorn-filled Beauty
RomanceMeet Monica Larson... the dangerous rose ng modelling... Maganda... Mayaman... Lahat ng gusto niya nakukuha niya... She leaves a trail of broken hearts... Pero bakit siya, hindi niya makuha? Finally, the thorn-filled beauty met her match...