Siya'y napakalapit ngunit napakalayo
Nasa aking gilid ngunit di maabot-abot
Magkakasalubungan ngunit di nagtatagpo
Dahilan kung bakit ako'y nalulungkot
Kalian nga ba ako'y kanyang mapapansin
Kanyang matitigan ang tanging hiling
Maipahatid sa kanya aking damdamin
Na napakatagal ko nang inililihim.
Matang napakaganda kailan ako makikita
Magkaroon sana sa kanya ng mga alaala
Maging dahilan ng kanyang ngiti sa labi
Mahal kita, kanya na sanang masasabi.
Ako pa ri'y patuloy na umaasa
Ikaw at ako'y pagtagpuin ng tadhana
Ayokong makaramdam ng pagkabahala
Kakarampot na pag-asa, wag sanang mawala.