Salitang lagi kong bukambibig
Simula nang ako'y saktan ng aking iniibig
Di maipinta sakit na dama nitong dibdib
Gusto ko nang lisanin itong daigdig.
Di ako napagod
Akin lang napagtanto't nabuklod
Ako'y naawa sa aking sarili
Ubos ng luha ko sa kaiiyak sayo tuwing gabi.
Bawat hikbi ko ngayo'y iyong halakhak
Pag-ibig pang muli'y di ko na binabalak
Tama ng minsa'y ako'y naging bobo
Tama ng minsang nawasak ang aking puso.