Ang gitarista ng buhay ko

16 0 0
                                    



Sa kanyang mga liriko ako'y nahalina

Kay hiwaga ng kanyang mga salita

Bawat pagtipa sa kanyang gitara

Puso ko'y biglang natataranta.


Aming pagtatagpo'y di sadya

Napansin siya sa libu-libong madla

Pagkakakilala'y di inakala

Mahuhulog... sa kanya pala.


Pagtatapat niya di inasahan

Sa una'y di siya pinagkatiwalaan

Pagkat takot ako'y malinlang

Baka sa kanya ito'y laro-laro lang.


Araw gabi, siya lang ang kausap

Makita siya'y ako'y atat

W'lang duda, siya'y magaling mangusap

Kaya kahit gabi na'y, ako pari'y dilat.


Sana'y wala itong katapusan

Ligayang aking nararamdaman

Kakalimutan aking nakaraan

Pagkat nakilala na, aking kinabukasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Likhang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon