Ano nga ba ang pag-ibig?
Katanungang laging bukambibig
Ito ba'y pagkalabog ng dibdib
O pagtatago sa lugar na liblib?
Pag-ibig iniintinding pilit
Kahuluga'y dinadaan sa hirit
Tingnan niyo kung ano ang sinapit
Ng taong sa pag-ibig nagpipilit.
Ang pag-ibig ay...ano nga ba?
Ika'y may alam bang talaga
Ako ito'y nagtataka
Ba't kabataa'y nagpapakadalubhasa.
Walang hanggan, laging sinasabi
Para oo'y mabigkas ng labi
Kaya andaming sa pag-ibig ay sawi
Dahil ang minamahal ay di pinipili.
Ang umiibig...sino nga ba?
Ikaw ba'y may alam o wala
Sila bang nangako ng tala
O yung taong inaaway ka na lang bigla.
Ang pag-ibig ay...ano nga ba?
Mga kahuluga'y aking sinala
Kayat ngayon aking napagtanto na
Ang kahulugan ng pag-ibig ay pagtitiwala.