Isang araw landas nati'y pinagtagpo
Pinakilala ka ng kaibigan ko
Nang binanggit mo na ang iyong pangalan
Alam ko nang di ko to malilimutan.
Nang magkadikit ang ating mga kamay
Kuryente'y gumising sa king kamalayan
Pagkakaibigan sa aki'y inalay
Sino ba ako para ika'y tanggihan.
Sa araw-araw na ikaw ay kasama
Puso ay nalulunod sa sobrang saya
Kapag nakakausap ka sa tuwina
Kinikilig ako, di nga lang halata.
Isang araw, akin nang napagpasyahan
Ipagtapat ang aking nararamdaman
Pero ano ba itong aking nalaman
Sila na pala ng aking kaibigan.
Huli na ba ako? Tanong sa sarili
Ano nga ba ang aking pagkakamali
Kasalanan bang di ako nagmadali
Naging tayo sana kung saka-sakali.
Pag-ibig ko akin na bang ililihim
Mananahimik o magpapakasakim
Pangarap ko lang naman 'kay maging akin
Pangarap ko na akin nang ililibing.
:��a@�