Maaliwalas, tahimik at kay payapa
Kalangitang aking nakikita
Kabutiha'y di maipagkakaila
Sa kanya'y gagaan loob mong bigla.Bughaw niyang kulay, tunay ngang nakakasilaw
Tuwa ay inaalay, kagalaka'y di hilaw
Kalinisan siya'y may taglay
Naghahatid ng imaheng may saysay.Kapayapaa'y biglang nagulo
Nang sigwa'y kumatok sa pinto
Kalinisan niya'y naglaho
Sama ng iba, siya ang sumalo.Kalangitan, siya lamang nagpipigil
Kalungkuta'y pilit kinikimkim
Ito'y kanya na lamang ililihim
Hanggang sumapit ang takipsilim.Pagsira sa kanya'y nagpatuloy
Kinikimkim di napigilang matumpok
Kung kayat sa kanya'y may dumaloy
Epekto sa kanya ng mga pagsubok.Di mapigilang siya'y magdamdam
Ipagsigawan tunay na nararamdaman
Kaya ngayon, atin nang nararanasan
Ang hikbi ng kalangitan.