Sa kanyang mata, ako'y nahalina
Ngiti niya'y napapansin sa tuwina
Hinihintay bawat pagtawa
Sa kanya'y nahulog ngang talaga.
Alam kong kanya'y di mapapansin
Pag-ibig ay mauuwi sa lihim
Kailan ba sya'y sakin titingin
Di na mahintay, ako'y kanyang ibigin.
Ako'y tunay na ngang desperado
Masungkit ang kanyang puso
Kaya nagtanong-tanong sa kaibigan ko
Wika nila, "gayuma ay gawin mo".
Isang buhok mula sa buntot ng kabayo
Bawang dinikdik at pinakuluang dugo
Dahon ng sambong at katas ng buyo
Lahat ng ito'y pinaghalo-halo ko.
Tapos na ang aking gayuma
Sa akin siya na'y mahahalina
Pero sa kanya'y mapapainom ko ba?
Magpapatulong sa isang kakilala.
Di na mapalagay sa magiging resulta
Nagmamahal sa akin, siya na ba?
Kaya't agad ko siyang binisita
Kahit ako'y kinakabahan pa.
Tahimik ang kanilang bahay
Maraming ilaw ang saki'y nakasilaw
Kaba, ako'y sinalakay
Mahal ko, bakit ikaw ay namatay?