Hindi pa ba ako sapat?
Binigay ko na ang lahat
Katapatan siya'y salat
Hindi nagmahal ng tapat.
Saan nga ba ko'y nagkulang?
Pagtataka ay nasilang
Tiyak ikaw nga ay hibang
Ako ay pinaiyak lamang.
Patuloy bang maging tanga
Naloko bakit ako pa?
Pagod na magiging kawawa
Makalimutan ka, sana!