Kay tayog ng iyong lipad
Ingat baka ika'y lumagapak
Sa lupa tiyak ika'y masusubasob
Yabang mo'y siguradong sasabog.
Sa sarili'y kay taas ang tingin
Panlalait sa iba'y di pinigil
Kailan ba'y ika'y susukulin
Nang pagmamataas ay matigil.
Ingat sa iyong paglipad
Pagbagsak mo'y maraming may hangad
Ngiti nila sayo'y huwad
Pagkat sa maitim na budhi ika'y mapalad.
O, Lawin bakit ka ba ganyan?
Ika'y tanyag sa kapalaluan
Magpakumbaba'y wag kalimutan
Pagkat kinaiinisan ka na ng karamihan.