Chapter 4

175 6 0
                                    

Shane POV

"Tito Crest?" Pumunta agad ako kay Tito Crest at niyakap siya.
Napaiyak nanaman ako

"Sh*t anyari kay kuya at kay Melissa? Sinong may gawa nito?"tanong ni tito.

"Tito, wala na sila mommy at daddy si Mark *sobb* nawawala"

"Shhh! Andito lang ako. Sa akin ka na muna tumira. Ako na ang bahala sa kanila kailangan mo munang magpahinga." Sinunod ko naman si tito

Pumunta ako sa kwarto ko pero nilingon ko muna sila mommy at daddy, nagulat ako nang mag smirk si tito Crest pero biglang nawala yung pag smirk niya bumalik sa pagkalungkot siguro namalikmata lang ako. Napaupo ako sa kwarto ko nakita ko ang family picture namin napaiyak nanaman ako hanggang sa nakatulog na ako.

Crest POV

Walang kaalam alam si Shane sa nangyayari Hahahaha! Sisiguraduhin kong mapapa sa akin din ang kayamanan namin at nang Buentarevell. Alam kong na kay Shane ang kayamanan at siya ang nakakaalam kaya't hangga't maari magpapanggap ako na walang alam hahaha!

"Melissa at Edgar, paano ba yan wala nang matitirang dugong Buentarevell sa inyo kapag napatay ko si Shane at Mark HAHAHA! Ako na ang magiging makapangyarihan dahil sa kayamanan ninyo at patuloy kong pag eexperimentan ang mga tao maski ang anak niyo" habang sinusunog ko ang bangkay nila at nilagyan nang malaking bato sa tiyan nila palatandaan na dito ko sinunog at nagkalat ang abo nila Melissa at Crest.

Simula pa lang ito. Kawawang Shane napakainosente, Siya ang makakaranas nang sakit at nang aking lagim hahaha.

Shane POV

Nagising ako at diretsong lumabas sa kwarto ko. Wala na si Mommy at Daddy. Si Mark hahanapin ko pa sana walang masamang nangyari sa kanya.

"Gising ka napala tara na sa bahay ko doon ka na tumira total wala ka na ring kasama dito mahirap na" tito Crest, buti nalang andito si Tito Crest kundi di ko na alam gagawin ko.

"Sige po"

Andito na kami sa tapat nag malaking bahay este mansion pala. Ang ganda pero nakakatakot dahil nakatayo ito samaliblib na lugar. Bago mo mapuntahan marami ka munang madadaanan na mga puno. Marami ring malalaking tao dito I mean Butler ba yun ayts basta yun na yun. Nakakatakot parang wala kang kawala dito.

"Nagustuhan mo ba?" Tito Crest

"O-opo" nakakakaba kong tugon. Pano ang lalaki kasi nang mga katawan nila.

"Hahaha! Wala ka nang kawala bata" nagulat naman akong bigla tumawa si tito Crest. At may binulong siya pero di ko narinig.

"Fatima! Ihatid mo si Shane sa kanyang kwarto. Handaan mo na rin kami nang hapunan." Ma awtoridad na sai ni Tito Crest

"Opo sir." Sagot naman daw nung Fatima.

Sumunod ako sa kanya.

"Amm Hello po! Ako po pala si Shane pamagkin ni tito Crest, ano pong pangalan mo?" Masaya kong pagkasabi sa kanya.

"Nanay Fatima, isa akong maid dito kumbaga ako yung pinakamother maid dito. Napakaganda mong bata ka. O siya ito ang kwarto mo. Pag may kailangan ka tawagin mo lang ang pangalan ko. Baka magalit pa si Sir Crest kung wala pa akong nahain na hapunan" sabi niya sa akin pero nung binanggit niya yung pangalan ni tito nakita ko ang kaba at takot sa kanyang mukha.

"Sige po"

Inayos ko na ang gamit ko at napahiga sa kama. Ano kaya magiging takbo nang buhay ko? Sana maging maayos.

"Shane bumaba ka na jan kakain na kayo" Nanay Fatima.

"Opo susunod na po ako" pabalik kong sagot.

Inayos ko ang damit ko. At bumaba na nakita ko si Tito Crest kumakain na may katabi siyang dalawang lalaki na sa tingin ko kasing tanda ni papa. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita ang kanilang mukha.

"Oh Shane andito ka na pala kumain ka na" Tito Crest

Humarap naman ung dalawang lalaki sa akin at nakita ko si Tito Bryan at Tito Rusell. Nagmano ako sa kanila a nagsimula na rin kumain. Tahimik kaming kumakain tangging pagsangga lamang nang kutsara at tinidor sa plato ang maririnig nang magsalita si Tito Bryan.

" Crest, nagawa mo ba? Nakuha mo ba?" Pagtanong ni Tito Bryan kay Tito Crest. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinaguusapan nila. Pero ma awtoridad ang kanilang mga boses at napakalamig at nakakatakot.

"Oo kuya Bryan, Hindi ko nakuha pero nasisigurado kong makukuha na natin at andito na rin naman ang nakakaalam duon" Sagot naman ni Tito Crest sabay tumingin sa akin at saka kumain na muli. Na patigil ako sandali dahil nakakatakot ag mga tingin nila tito Crest sa akin. Parang may kasalana. Akong nagawa.

"Hindi ba masarap Shane?" Tanong sa ain ni Tito Crest

"Po? Masarap naman po. Kaso ayaw ko na po sige po aakyat na po ako napapagod po kasi ako" sagot ko

"Sige mas mabuti pa nga iyon" tito Rusell

Habang paakyat ao naririnig kong nagtatawanan sila malademonyong tawa na siyang kinakaba ko. Mas binilisan ko ang pag akyat sa aking kwarto at agad na sinara.


Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Kundi ang takot.


Naalimpungatan ako at tiningnan ang oras 1:00 am palang. Lumabas ako sa aking kwarto nang dahan dahan at tumungo sa kusina kumuha nang baso at nilagyan nang tubig.


Para akong magnanakaw nito sa kilos ko eh sa ayaw kong may magising mahirap na. Paalis na sana ako nang may humawak nang mahigpit sa wrist ko at hinila ako palapit sa kanya sisigaw sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko. Hindi ko makita ang itsura niya dahil madilim at hindi ko binuksan ang ilaw sa kusina.


"Who are you? Try to shout and I'll kill you" sabay tutok nang patalim sa leeg ko. Halos hindi na ako humihinga dahil sa takot. Malamig ang boses niya.


Biglang bumukas ang ilaw sa sala at may narinig akong yapak napapunta dito binitawan na rin ako nang lalaki at nawala na nang bumukas ang ilaw sa sala. Naiwan akong tulala at patuloy na tumutulo ang luha ko.


"Shane? Nako anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak? O siya matulog ka na dun umakyat ka nang bata ka" Nanay Fatima at sinunod ko nalamang.








___________________

[Short update lang po]
Enjoy 😉
Comment kung may suggestion kayo. Lovelots😘

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon